Baguio, Ilocos tatanggap ng mga turistang taga-Luzon: DOT | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baguio, Ilocos tatanggap ng mga turistang taga-Luzon: DOT

ABS-CBN News
Published Oct 19, 2020 06:23 PM PHT
|
Updated Oct 19, 2020 07:02 PM PHT

Madadagdagan na ang mga tourist spot na puwedeng bisitahin ng mga taga-Luzon at Metro Manila, sabi ngayong Lunes ng Department of Tourism.

Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, magbubukas sa mga turista ang Ilocos Norte simula Oktubre 20, Baguio City simula Oktubre 22 o 23, at Ilocos Sur simula Nobyembre 15.

Bahagi umano ito sa isinusulong ng ahensiya at ng mga local government unit para muling mabigyan ng kabuhayan ang 4.8 milyong Pilipino na umaasa sa industriya ng turismo.

Pero gaya ng dati, ipatutupad pa rin umano ang "test before travel," na nangangahulugang kailangan ng mga bibiyahe ng negative result sa swab test.

ADVERTISEMENT
Nasa gitna pa rin ng pilot testing ang mas murang antigen test sa Baguio. Sakaling magtagumpay, papayagan din umano ang antigen test para sa mga turista.

Batid umano ng DOT na marami ang hindi nakabibiyahe dahil sa presyo ng swab test, na umaabot ng P8,000 hanggang P13,000, ani Puyat.

Pero ayon kay Puyat, ayaw niyang mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Bali, Indonesia, kung saan lumobo ang COVID-19 cases matapos buksan sa mga turistang pumasa sa rapid test.

Hinihiling din umano ngayon ng DOT sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na baka puwedeng lagyan ng price cap ang mga swab test para mas mapababa ang presyo.

Pag-aaralan umano ng IATF ang panukalang price cap, sabi ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Sa ngayon, bukas din ang Boracay sa lahat ng mga turistang galing sa mga area na nasa general community quarantine.

Para sa mga nagnanais bumiyahe, malalaman umano ang requirements sa mga website ng mga local government unit.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Tourism
turismo
Metro Manila
Luzon
Ilocos
Ilocos Sur
Ilocos Norte
Baguio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT