SRA nagsimulang magbenta ng mas murang asukal sa kanilang mga opisina | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SRA nagsimulang magbenta ng mas murang asukal sa kanilang mga opisina

ABS-CBN News
Published Oct 18, 2022 04:54 PM PHT

MAYNILA - Nagsimula nang magbenta ng mas murang asukal ang Sugar Regulatory Administration sa kanilang mga tindahan, para makatipid ang mga konsumer habang mataas pa rin ang retail price nito.

Nasa P70 kada kilo ang ibinebentang asukal na may tag na BBM Sugar, sa mga tanggapan ng SRA sa Quezon City at sa Bacolod. Sa ngayon, umaabot ng P100 kada kilo ang presyo ng refined sugar sa mga palengke.

Bagay ito na malaking tulong para sa mga nagnenegosyo gaya ni Weng Almazan.

"Ito ang main ingredient ng aming business, sugar, malaki talagang tulong samin to," ani Almazan, na may milkshake at milk tea businesss sa Quezon City.

ADVERTISEMENT
Hanggang 3 kilo lang ang pwedeng bilhin ng bawat customer para mapigilan ang hoarding ng mas murang asukal. Bawal din itong i-resale o ibenta muli. Magbebenta sila dito hanggang bumaba ang presyo ng asukal sa mga palengke.

Nasa mahigit 600 kilong asukal ang ibinenta ng SRA simula kahapon, ayon sa ahensiya.

Bukas ang tindahan sa Quezon City mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Magbebenta na rin ng mas murang asukal ang Department of Agriculture sa kanilang Kadiwa stores.

"Ito po'y for consumers kaya direkta po ang ating reselling ay limited for household consumption and yung approach natin for the retail selling ng asukal ay pinag uusapan po ng SRA ngayon," ani DA Spokeserson Kristine Evangelista.

Tiniyak din ng SRA na mas magmumura ang presyo ng asukal kapag fully-operational na ang millers simula Nobyembre.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT