Guro natagpuang patay sa loob ng paaralan sa Cebu | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro natagpuang patay sa loob ng paaralan sa Cebu

ABS-CBN News
Published Oct 17, 2022 02:02 AM PHT

Natagpuang patay at may mga saksak sa katawan ang isang guro sa paaralan ng Naga City, Cebu Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si June Leo Pañares, 33- anyos, high school teacher sa City of Naga Integrated Center for Science, Technology, Culture and Arts sa Barangay Inoburan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sa paaralan umano natulog ang biktima Sabado ng gabi.

Nag-alala umano ang kasamang guro kaya pinuntahan nito ang tinulugang stockroom ni Pañares.

ADVERTISEMENT
Ngunit naabutan nito na may maraming dugo sa loob ng silid, at binalot ng kurtina ang duguang katawan ng biktima. May mga saksak ito sa katawan.

"May posibilidad na robbery," ayon sa hepe ng Naga City Police Station PLTCOL Junnel Caadlawon.

Ani Caadlawan, nawala na ang motorsiklo at cellphone ng biktima.
Sa ngayon, may isang person of interest ang pulisya na nakita nila sa footage ng CCTV sa lugar.

Patuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang talagang motibo at responsable sa krimen.

- ulat ni RC Dalaguit De Vela
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT