Malakas na pag-ulan nagdulot ng pagguho ng lupa sa bayan ng Siocon

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2020 11:59 AM

Sinakop ng lupa, mga bato, at nagtumbahang puno ang kalsada sa landslide na naganap sa bayan ng Siocon sa Zamboanga del Norte. Larawan mula sa Siocon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office


Hindi madaanan ang Barangay Malambuhangin sa bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte dahil sa landslide na naganap Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nakaranas ng malakas na pag-ulan ang bayan nitong Biyernes dahil sa southwest monsoon kaya nangyari ang pagguho ng lupa.

Patuloy ang clearing at assessment operations ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa lugar.

Walang naitalang nasaktan o namatay sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.