Dayuhang nagwala umano sa NAIA, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dayuhang nagwala umano sa NAIA, arestado

Dayuhang nagwala umano sa NAIA, arestado

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Hinuli ng mga awtoridad ang isang lalaking Iranian matapos umanong magwala ito sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City Huwebes ng hapon.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, nagpunta ng airport ang dayuhan para makausap ang kababayan niyang babae na naka-hold dahil sa red alert notice ng International Criminal Police Organization (Interpol).

Dumating ang 31 anyos na babaeng Iranian sa NAIA Terminal 3 pasado ala-1 ng hapon sakay ng Cebu Pacific flight mula Dubai.

Matapos hindi payagan ng airport security ang lalaki, doon na siya nagsisigaw na dahilan sa kaniyang pagkaaresto.

ADVERTISEMENT

Nakuha rin sa kaniya ang isang maliit na canister na may nakasulat na "flash bang," na napag-alamang lighter pala.

Nakakulong ngayon sa selda ng airport police ang lalaki na nakatakdang i-inquest dahil sa ilang paglabag sa batas.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.