Chavit Singson, tatakbo bilang alkalde | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chavit Singson, tatakbo bilang alkalde

Chavit Singson, tatakbo bilang alkalde

Ria Galiste,

ABS-CBN News

Clipboard

Naghain na ng kanilang certificate of candidacy sina Luis "Chavit" Singson, bilang alkalde ng bayan ng Narvacan, at Atty. Pablito Sanidad Sr. bilang bise alkalde.

MAYNILA - Humabol sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy si Narvacan, Ilocos Sur Councilor Luis "Chavit" Singson.

Miyerkoles ng umaga nang maghain si Singson ng kaniyang COC para tumakbo sa pagka-alkalde ng nasabing bayan sa 2019 midterm election.

Makaka-tandem niya si Atty. Pablito Sanidad Sr. na tatakbo bilang bise alkalde.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sa pulitika ang dalawa. Taong 1971 nang tumakbong gubernador si Singson habang bise gubernador naman si Sanidad.

ADVERTISEMENT

Tatakbo sila sa ilalim ng Bileg party, isang local political party sa lalawigan.

Nitong nakaraang linggo, naghain na rin ng kaniyang COC ang makakalaban sa pulitika ni Singson na si dating mayor Edgardo Zaragoza sa ilalim naman ng PDP-Laban.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.