Dolomite beach sa Manila Bay binuksan na muli sa publiko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dolomite beach sa Manila Bay binuksan na muli sa publiko

ABS-CBN News
Published Oct 16, 2021 10:52 AM PHT
|
Updated Oct 17, 2021 12:23 AM PHT

Bukas ang ‘Dolomite Beach’ 8-11am at 3-6pm araw-araw. Walang time limit na ang mga bisita, pero mahigpit na ipatutupad ang health protocol, ayon sa DENR. pic.twitter.com/IePT2Um0d5
— Jekki Pascual (@jekkipascual) October 16, 2021

MAYNLA— Binuksan na sa publiko ang kontrobersyal na Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Sabado, ang unang araw ng pagbaba ng quarantine restriction sa Kamaynilaan sa Alert Level 3.

Tinawag ito na "soft opening" ni Environment Undersecretary Jonas Leones, at iba aniya sa dry run na ginawa noon.

Ayon kay Leones, araw-araw nang bukas ang dolomite beach. Pwedeng pumasok mula alas-8 hanggang alas-11 sa umaga at alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Manila Baywalk Dolomite Beach, nagbukas na. Soft opening ngayon at hindi kailangan ng vaccination card, ayon sa DENR. pic.twitter.com/XhZYihHXE9
— Jekki Pascual (@jekkipascual) October 16, 2021
Manila Baywalk Dolomite Beach, nagbukas na. Soft opening ngayon at hindi kailangan ng vaccination card, ayon sa DENR. pic.twitter.com/XhZYihHXE9
— Jekki Pascual (@jekkipascual) October 16, 2021
Hindi kailangan magpakita ng vaccination card para makapasok.
Hindi kailangan magpakita ng vaccination card para makapasok.
ADVERTISEMENT
Wala na ring time limit ngayon ang mga bisita di gaya dati na 5 minuto lang pwedeng mamasyal.

Ayon kay Leones, malaking tulong ang beach bilang alternatibong pasyalan lalo na ngayong pandemya.

"Yung mga tao, mga kababayan natin nalungkot dahil nasa bahay. Dahil ngayon medyo open na ang ating economy, pwede na lumabas mga kabataan, mga mamamayan, ito'y another option lang," sabi ni Leones.

Pwedeng tumambay ang mga tao sa beach, pero mahigpit pa rin na ipatutupad ang mga health protocol.

"We will make sure that we strictly observe 'yung health protocol natin. Face mask importante, pero face shield optional," ayon kay Leones.

Tuloy-tuloy pa rin aniya ang pag-aayos at paglilinis sa lugar.

Aminado si Leones na may mga basura pa rin at malaking hamon ang masamang panahon gaya ng bagyo para sa kanila.

Pero malaki na aniya ang pinagkaiba ng beach ngayon kumpara noon. Nag-improve ang water quality sa Baywalk, sabi ni Leones, at posibleng pwede na maligo sa beach sa mga susunod na buwan kung mas umayos ang water quality.

Bubuksan rin ang ibang bahagi ng beach sa mga susunod na linggo.

"Continuous ang rehabilitation natin, ito 'yung ating dolomite area. Napapansin niyo ongoing ang works kasi nagkakaroon tayo ng problema sa weather. Nakita niyo ang lalakas ng ulan, nandiyan ang basura, inaayos natin," sabi niya.

Masaya naman ang ilang first time visitor sa dolomite beach gaya ni Norma Salvatierra na galing sa jogging kasama ang mga kaibigan.

"Unexpected makakapasok kami sa dolomite. Ok naman. Very komportable kami, relax. Eto nga nakasalampak na kami rito," ani Salvatierra.

"Pumunta kayo, pero ingatan niyo 'yung paligid. Huwag kayong magdala ng basura," pakiusap naman ng kaibigan niya na si Anna Salazar sa mga nais bumisita sa dolomite beach.

Read More:
TV Patrol
TV Patrol Top
Manila Bay
Baywalk
dolomite beach
Department of Environment and Natural Resources
DENR
Dolomite beach opens
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT