PatrolPH

Manila Bay Dolomite Beach, nilagyan na ng arko at gate

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2021 09:37 AM | Updated as of Sep 28 2021 11:22 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - May pormal na pangalan na ang dolomite sand beach sa Maynila at tinawag na itong Manila Baywalk Dolomite Beach. 

Nilagyan na rin ng arko ang lugar nitong weekend na may pangalan ng beach. 

Naging viral pa ito sa social media dahil walang espasyo ang bawat salita nung una pero naayos na ito.

Mapapansin rin na may puting bakod na ang halos buong Baywalk. 

Dahil umiiral pa ang alert level 4, pinapayagan lang ang mga nag jojogging at biking, pero bawal pa ang pumasok sa beach area.

- TeleRadyo 28 Setyembre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.