'Dating ng balikbayan boxes sa Pinas kumaunti, bumagal dahil sa pandemya' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Dating ng balikbayan boxes sa Pinas kumaunti, bumagal dahil sa pandemya'

'Dating ng balikbayan boxes sa Pinas kumaunti, bumagal dahil sa pandemya'

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa Bureau of Customs, mababa nang halos 30 porsiyento ang dami ng mga dumating na balikbayan box ngayong may pandemya dahil sa mga limitasyon sa sektor ng transportasyon at logistics. ABS-CBN News/File

MAYNILA - Bumaba ang bilang ng mga balikbayan box na dumating ngayong taon dahil sa pahirapang pagpapadala ng mga package habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa Bureau of Customs, mababa nang halos 30 porsiyento ang bilang ng mga dumating na mga balikbayan box ngayong may pandemya dahil sa mga limitasyon sa sektor ng transportasyon at logistics.

Sa datos sa mga nakaraang taon, nagsimula ang pagdagsa ng mga balikbayan box ng Oktubre hanggang kalagitnaan ng Disyembre.

"Hindi rin ho kasi regular ‘yung flight ng ating mga eroplano, ‘yung mga barko natin, paunti-unti pa lang din hong nagdagdagsaan 'yung mga volume nila," ani Customs Spokesperson Vincent Philip Maronilla.

ADVERTISEMENT

Anim na taon nang regular na nakakatanggap ng balikabayan box si Valerie Mendoza mula sa kaniyang kaibigan sa Amerika bilang pamasko.

Ang pamasko niya ngayong taon, maaga niyang natanggap bilang pantustos sa pangangailangan habang may pandemya.

"Nahirapan sila, kasi sarado 'yung mag stores, very limited lang. I believe nag-start sila maglagay na du’n sa box sometime February or March pero na-forward nila sa amin July na and then we received it August," ani Mendoza.

Kapapadala lang ni Christina Padilla, isang pharmacy coordinator sa Amerika, ang mga naipong balikbayan box mula nang magkaroon ng lockdown. Ayon kay Padilla, sinabihan siya na hindi na aabot ng Pasko ang mga ipinadalang balikbayan box.

"Before nu'ng wala pang pandemic, I was able to send my box around this time, makakarating ng Christmas doon, but they told us today it wasn't gonna be there until New Year na," ani Padilla.

Ipinaalala rin ng Customs na duty and tax free ang mga Pinoy na nagpapadala sa Pilipinas. Payo rin nila na maging maingat at piliin lang ang mga lehitimo at accredited na forwarder para maiwasan ang posibilidad na ma-scam.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.