Dike, 28 bahay sa tabing dagat nasira ng malakas na alon sa Bataan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dike, 28 bahay sa tabing dagat nasira ng malakas na alon sa Bataan

Dike, 28 bahay sa tabing dagat nasira ng malakas na alon sa Bataan

ABS-CBN News

Clipboard

Nasira ang bahagi ng dike at maging ang 28 mga bahay sa tabing ilog dahil sa malakas na paghampas ng alon at hanging dala ng bagyong Maring sa Bagac, Bataan. Larawan mula kay HK Insigne Masilungan
Nasira ang bahagi ng dike at maging ang 28 mga bahay sa tabing ilog dahil sa malakas na paghampas ng alon at hanging dala ng bagyong Maring sa Bagac, Bataan. Larawan mula kay HK Insigne Masilungan


Sinira ng malakas na hampas ng alon at hangin na dala ng bagyong Maring ang malaking bahagi ng dike na proteksyon ng mga nakatira sa tabing dagat sa Sitio Wawa sa Barangay Pag-asa sa bayan ng Bagac, Bataan.

“Nagsimulang lumaki 'yung alon noong ano pa Oct. 9, hanggang ngayon patuloy pa 'yung monitoring namin, at nung mga bandang 11 'yung may bagyo tayo, 'yung bagyong Maring nasabayan ng malakas na hangin, mas lumakas 'yung alon, 'yun na ang nakasira doon sa dike. 'Yung bahay 'yung totally damaged, pati 'yung partially damaged nasa 28,” ayon kay John Henry Carreon, kapitan ng Barangay Pag-asa.

Sa Tala ng Pag-asa Barangay council, nasa 21 bahay ang nawasak at 7 ang bahagyang nasira habang nasa 41 na pamilya o higit 150 indibidwal ang apektado at inilikas ng lokal na pamahalaan.

"'Yung ibang pamilya nasa mga kamag-anak, 'yung iba naman po talagang puno na din sa bahay ng mga kamag-anak, nandito sa amin sa barangay,” sabi ni Carreon.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa bagyo.

ADVERTISEMENT

Hinikayat din ni Carreon ang mga nagnanais na magbigay ng tulong na dalhin sa barangay para diretsong ihahatid sa mga apektadong residente.

Maagap namang nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan.

Hinahanapan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng permanenteng relokasyon ang mga apektadong residente. Hindi na sila papayagang bumalik pa sa paninirahan sa tabi ng dalampasigan dahil sa peligro na maaring idulot nito.

- Ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.