Publiko pinag-iingat vs pekeng trabaho na inaalok online | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Publiko pinag-iingat vs pekeng trabaho na inaalok online

ABS-CBN News
Published Oct 14, 2019 07:54 PM PHT

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagkalat ng mga nagpapakilalang Facebook page ng ahensiya na nag-aalok ng trabaho.

Sa mga nasabing page inaalok ang mga trabaho sa Calabarzon at Mimaropa, pati na rin sa Canada, Australia, Singapore, at London, ayon sa ahensiya.

Ayon sa isang nagreklamo, tinawagan niya ang numero sa nasabing account at nagpakilalang empleyado ng DOLE.

Siningil daw siya ng P1,000 reservation fee at inutusang magpakita sa Central Office ng DOLE sa Intramuros.
Siningil daw siya ng P1,000 reservation fee at inutusang magpakita sa Central Office ng DOLE sa Intramuros.
ADVERTISEMENT
Pero wala aniyang lumitaw na Arthur Villena at hindi na rin matawagan ang numero.

Inireklamo na rin ng DOLE sa Facebook at sa NBI ang mga pekeng account. Pero nanawagan ang ahensiya na magsampa ng reklamo laban sa mga nangangasiwa ng mga ito.

"Mas maganda po kung itutuloy po natin yung complaint po natin. Kasi otherwise magaano lang yan sila eh tuloy tuloy po yung pangloloko po nila sa ating mga kababayan," ani Dominique Tutay, director ng Bureau of Labor and Employment.

Payo ng DOLE, tangkilikin lamang ang mga government-endorsed na jobseeking websites gaya ng Philjobnet.com para sa mga trabaho sa bansa.

Para naman sa mga trabaho abroad, dapat bantayan ang mga anunsiyo ng Philippine Overseas Employment Agency sa kanilang website na poea.gov.ph. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News