Ilang kompanya may libreng training sa SHS graduates, out-of-school youth | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang kompanya may libreng training sa SHS graduates, out-of-school youth

Ilang kompanya may libreng training sa SHS graduates, out-of-school youth

ABS-CBN News

Clipboard

Lumagda sa kasunduan noong Oktubre 12, 2022 ang mga kinatawan ng ilang malalaking kompanya para sa pagbibigay ng libreng training sa mga senior high school graduate at out-of-school youth. ABS-CBN News
Lumagda sa kasunduan noong Oktubre 12, 2022 ang mga kinatawan ng ilang malalaking kompanya para sa pagbibigay ng libreng training sa mga senior high school graduate at out-of-school youth. ABS-CBN News

Rumaraket bilang tricycle driver sa Divisoria, Maynila ang 21 anyos na si John Morales, na tumigil sa pag-aaral noong magha-high school na.

Kahit ilang taon na ang lumipas mula noon, gusto pa rin umano niyang makabalik sa pag-aaral upang magkaroon ng permanenteng trabaho at matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

"Iyong mabubuhay iyong pamilya ko, kahit ano pong trabaho makakaya ko," ani Morales.

Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies noong 2019, isa sa bawat limang kabataang edad 15 hanggang 24 ang walang trabaho, edukasyon o training.

ADVERTISEMENT

Sila ang mga target matulungan ng YouthWorks PH, na nag-aalok ng libreng training sa senior high school graduates at out-of-school youth mula 18 hanggang 30 taong gulang.

Makatatanggap rin sila ng 75 porsiyento ng regional minimum wage.

Lumagda ng kasunduan noong Miyerkoles ang ilang malalaking kompanya kaugnay sa programa. Handa umano silang i-empleyo ang trainees.

"I have a lot of faith and trust on our Filipino youth. I see a lot of Filipino youth to be actually quite smart, caring, disciplined, and also very technology savvy," ani Stephen Tomas Misa, country manager ng Amazon Web Services Philippines, isa sa mga kalahok na kompanya.

May 40 porsiyentong absorption rate ang YouthWorks, kung saan nagiging empleyado ng kompanya ang trainees, at 62 porsiyentong employment rate, kung saan nakakapagtrabaho sa ina-apply-ang sektor ang trainees.

Ayon kay Love Basillote, executive director ng Philippine Business for Education na kalahok din sa programa, katuwang nila ang Technical Education and Skills Development Authority sa pagbibigay ng technical-vocational training, at local government units sa paghikayat sa mga kabataang sumali sa programa.

Pinatutupad din ang Tulong-Trabaho Act, kung saan ang YouthWorks PH na ang nag-aayos ng National Bureau of Investigation clearance, physical exam at iba pang pre-employment support para sa mga naghahanap ng trabaho.

Para sa mga interesado, nasa YouthWorks Facebook page ang kumpletong listahan ng requirements at application process.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.