'Sobra-sobra ang trauma': Mga naulila sa landslide sa Baguio naghihinagpis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Sobra-sobra ang trauma': Mga naulila sa landslide sa Baguio naghihinagpis

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2021 06:57 PM PHT

BAGUIO CITY, Benguet - Labis ang paghihinagpis ng mga survivor ng landslide na nangyari sa Baguio City sa pag-ulang dulot ng bagyong Maring, kung saan may iilang mga naitalang patay na magkakamag-anak.

Umaga ng Biyernes nang matagpuan ang bangkay ng mga batang sina Judy Rose Tulipas, 12, at Thalia Kasidee Ocampo, 4.

Ayon sa mga kaanak, nagtago ang dalawang bata sa kuwarto at hindi na nakalabas nang bumagsak ang makapal na putik.

Ang lolo at tiyuhin nilang si Alfred Ocampo, natabunan din at nahanap ang mga labi tanghali ng Martes.

ADVERTISEMENT
“Nagrigat (mahirap) talaga mam sobra-sobra 'yung trauma po hindi ko alam kasi kitang kita ko po ang pangyayari nung bumaba yung lupa tsaka troso dyan sa taas," ani Felicidad Ocampo, kaanak ng mga nawala.

Isa sa mga nakaligtas ang lolo at tiyuhing si Danilo Ocampo na kinalkal ang nakapalibot na putik at hollow blocks para makaligtas madaling araw ng Martes.

"Mahigit ala-1 na siguro 'yung bahay ko yan lupa na lahat, pati bahay ng kapatid ko lupa na lahat naiyak ako sa sarili ko. Kumusta na kaya pamilya ko tsaka mga kapatid ko may buhay pa kaya kako eh naghanap ako dyan ko iniwan yung pamilya ko wala na sila tumaas na ako dun sa taas," ani Danilo.

Nang matagpuan ang mga bata, magkasama sila sa isang sulok ng bahay kung saan natabunan ng makapal na putik.

Kasama rin nila ang dalawa nilang aso.
Kasama rin nila ang dalawa nilang aso.
May ibang pamilya rin na in-evacuate mula sa lugar.

Ang iba, nakisilong muna sa mga kaanan.
Ang iba, nakisilong muna sa mga kaanan.
Ayon sa Baguio City Police Office, plano nilang pagsabihan nang maaga ang mga residente kapag may paparating na malakas na ulan o bagyo.

Nasa punerarya na ang mga labi ng magkakamag-anak at humihingi sila ng kaunting tulong gaya ng damit at mga paunang gamit lalo na at kasamang nalibing ang mga gamit nila.

Hirap din sila sa pagbili ng gamot at iba pang gamit dahil wala na ang pruweba nila ng vaccination card at ID.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT