2 patay, 8 sugatan sa banggaan sa TPLEX | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay, 8 sugatan sa banggaan sa TPLEX
2 patay, 8 sugatan sa banggaan sa TPLEX
Joanne Tacason,
ABS-CBN News
Published Oct 13, 2016 03:44 PM PHT

URDANETA CITY—Dalawa ang patay samantalang walo naman ang sugatan matapos magbanggaan ang isang delivery van at kotse, Huwebes ng umaga.

Bumangga ang minamanehong delivery van ni Jay Serafin 38, sa kasalubong na kotse na minamaneho naman ni Jessie Lacsa sa TPLEX exit point ng barangay Anonas, Urdaneta City.

Dead on arrival sa ospital ang 30-anyos na si Lacsa at sakay nitong si Ailen Alonte, 31.

Sugatan naman ang iba pang sakay ng kotse na sina Ellen Masigawa, 32, Carmelita Dulla, 60, at ang dalawang batang sakay na sina Masato Masigawa, 9 at Hatoni Dulla, 13.

Sugatan din ang mga pahinante ng van na sina Jonel Barcelona,22, Jeric Galano, 25, Richie Cabalona, 26 at Ronnie Valliente, 36.

Ayon kay Serafin, nagulat daw siya sa kotse na bigla raw lumabas sa TPLEX exit point.

“Nagulat ako, naghead-light pa ako dun sa kasalubong kong van din, tapos bigla na siyang sumulpot,” Serafin said.

Tumilapon at nawasak ang harapang bahagi ng van samantalang dumiretso naman sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa signboard ang kotse ni Lacsa.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, galing sa TPLEX ang kotse palabas ng exit point nang makabanggaan ang van. May ka-convoy rin daw ito na isa pang sasakyan at posible raw na hindi nakita ng kotse ang paparating na van sa highway.

Nakikipag-ugnayan pa rin ang mga pulis sa mga pamilya ng mga biktima.