Kaso ng cholera, tumaas nang halos 4 na beses: DOH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaso ng cholera, tumaas nang halos 4 na beses: DOH

Kaso ng cholera, tumaas nang halos 4 na beses: DOH

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 12, 2022 10:19 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Tumaas nang halos 4 na beses ang kaso ng cholera sa Pilipinas sa loob ng 10 buwan kompara sa kabuuan ng nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, nakapagtala ang DOH ng 3,729 kaso ng cholera sa Pilipinas kompara sa 976 kaso noong 2021.

Umabot naman na sa 33 ang namamatay sa Pilipinas dahil sa cholera ngayong taon. Sa nakalipas lang na 3 buwan o mula Hulyo hanggang Setyembre, hindi bababa sa 14 ang naitala ng DOH na pumanaw bunsod ng sakit.

"Kapag hindi naagapan, nagkakaroon ng severe dehydration ang mga pasyente lalong-lalo na kung ang pasyenteng may cholera ay immunocompromised o vulnerable sila," paliwanag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

ADVERTISEMENT

"'Yong mga bata less than 5 years old o 'di kaya kapag tinamaan ang matanda, mas mataas ang risk or probability of dying from cholera," dagdag niya.

Ang Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas ang mga lugar na sinasabing lumagpas na sa epidemic threshold o average na bilang ng mga kaso sa nakalipas na 5 taon.

Ayon sa Eastern Visayas Center for Health Development, umabot sa lagpas 3,572 ang suspected cases ng cholera sa rehiyon, pero 37 pa lang umano ang nakukumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine.

Gumaling na anila ang lahat ng mga kaso.

Isinisisi ng local health officials sa kakulangan ng kalinisan sa komunidad ang problema ng pagtatae sa rehiyon.

"Walang access to safe water and toilets. Very poor sanitation and hygiene," ani Dr. Ludina Isigne, medical officer ng Eastern Visayas Center for Health Development.

"Some parts of Samar, binabaha sila. So kung walang magandang source of water tapos bumaha, affected 'yon," ani Insigne.

Sa kabila nito, hindi naman nakikita ng DOH na kailangan pang ideklara ng mga lokal na pamahalaan ang outbreak ng cholera.

Una nang sinabi ng World Health Organization na nakababahala ang pagdami ng bansang nakakapagtala ng cholera outbreak sa nakalipas na taon.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.