Mga ospital naghahanda na sa pagbabakuna ng mga bata kontra COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga ospital naghahanda na sa pagbabakuna ng mga bata kontra COVID-19

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Oct 12, 2021 05:02 PM PHT

Naghahanda na ang mga ospital na itinalagang pilot COVID vaccination sites para sa mga menor de edad na magsisimula sa Biyernes.

Ang Fe Del Mundo Medical Center, nagpaparehistro na ng mga batang edad 12 hanggang 17 na interesadong magpabakuna laban sa COVID. Sa online registration pa lang, ipinasasaad na ang co-morbidity ng bata. Nasa 250 na ang nagparehistro sa ospital.

Ayon sa Medical Director nito na si Dr. Elsie Baronia-Locson, mahalagang may medical certificate bilang patunay ng comorbidity, at consent ng parehong pasyente at magulang o guardian bago mabakunahan laban sa COVID.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na ang mga menor de edad na kwalipikadong mabakunahan ay iyon munang mga may medical complexity, genetic conditions, neurological conditions, metabolic/endoctrine conditions, cardiovascular disease, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders at hepatobilliary.

“Nag-create muna kami ng Google link para ma-identify namin ‘yung possible vaccine recipients. Ang priority talaga would be ‘yung patients namin dito and ‘yung dependents din na may comorbidity,” sabi ni Locson.

Nagtalaga ng dalawang COVID vaccination teams ang Fe Del Mundo Medical Center, na may tig-anim hanggang pitong myembro. Ayon kay Locson, kaya ng teams magbakuna ng hanggang 150 katao kada araw. Pero sa Biyernes, 60 bata muna ang target bakunahan.

“Ang sabi lang ng DOH, we can first try vaccinating ‘yung mga 15 to 17 years old. Kung konti lang naman ang mava-vaccinate, pwede na namin i-extend sa younger age group. Pero sa amin kasi, when we check the list ng vaccinees, marami talaga ‘yung 15 to 17. May pailan-ilan lang naman na 12-14. So sabi namin, we might as well vaccinate nalang ‘yung 12 to 17,” sabi ni Locson.

“Before noong vaccination ng adults, we were training for Pfizer. So basically I think we are prepared for that,” dagdag niya.

Nakahanda na rin ang ospital sa pag-monitor at pag-responde sakaling magkaroon ng side effects ang nabakunahan. Tiniyak ni Locson na may pediatricians na patatauhin sa COVID vaccination area.

“Yung difficult of breathing, ‘yun ang pinaka-importante din (bantayan). And then anaphylaxis. That’s why may naka-ready naman kami doong emergency cart, may stretcher din, may mga gamot din for allergies, kung mahirapan huminga. Kung kinakailangan sila dalhin sa ER, madadala sila sa ER,” sabi niya.

Ang National Children’s Hospital, magsasagawa ng simulation ng COVID vaccination para sa mga bata sa Miyerkoles.

Read More:
coronavirus
COVID-19
COVID-19 vaccination
bata
pagbabakuna
Fe Del Mundo Medical Center
Dr. Elsie Baronia-Locson
Department of Health
pilot vaccination for children
vaccination for kids
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT