Maraming bayan sa La Union at Cagayan binaha dahil sa Bagyong Maring | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Maraming bayan sa La Union at Cagayan binaha dahil sa Bagyong Maring

Maraming bayan sa La Union at Cagayan binaha dahil sa Bagyong Maring

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 12, 2021 01:51 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Binaha ang ilang bahagi ng La Union at Cagayan dahil sa malakas na ulan na dala ng Bagyong Maring.

Sa bayan ng Luna, La Union, lubog sa baha ang likod ng bahay ng pamilya Aquino sa Barangay Oaqui.

Kuwento ni Nel James Aquino, nag-evacuate na ang kaniyang pamilya matapos pasukin ng tubig ang kanilang bahay.

Nitong Lunes, nakaranas daw ng malakas na hangin at ulan ang mga residente sa bayan ng Luna.

ADVERTISEMENT

Ani Aquino, catch basin kasi ang kanilang lugar at talagang bumabaha pero ngayon lang sila nakaranas ng abot-baywang at abot-balikat na baha.

Sa bayan ng San Fernando City, bumagsak naman ang bubong ng residential building sa Barangay Sevilla Norte dahil sa Bagyong Maring.

Kuwento ni Rolf Guieb, tinangay ng malakas na hangin ang bubong ng kanilang apartment Lunes ng gabi. Nagsimulang maramdaman ang malakas na hangin at ulan Lunes.

Baha pa rin sa ilang lugar sa San Fernando City at wala pa ring kuryente.

Sa bayan ng Bangar, binaha rin ang Bangar Town Center, na ginamit na evacuation area.

Inilipat sa eskuwelahan ang mga evacuees.

Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ang Bauang, Aringay at Amburayan River sa La Union.

Samantala, nasa 13 bayan sa Cagayan ang apektado ng baha dala ng Bagyong Maring, ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Darwin Sacramed.

Nakaranas ng matinding pagbaha ang mga bayan ng Baggao, Santa Teresita at Buguey.

Isang security guard naman ng Philippine Ports Authority sa bayan ng Claveria ang namatay dahil sa bagyo, ani Sacramed.

Habang nagi-inspeksyon umano ang biktima, hinampas umano ito ng malakas na alon at tumama ang ulo sa semento. Nahulog sa dagat ang biktima at nalunod, dagdag ni Sacramed.

Tinatayang nasa P14 milyon ang danyos sa pananim habang P353,000 ang danyos sa livestock.

Sa kasalukuyan, nasa 43 pamilya ang nananatili sa evacuation center sa mga bayan ng Camalaniugan at Santa Teresita.

—May ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.