Naaagnas na bangkay ng dalagita natagpuan sa Samar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Naaagnas na bangkay ng dalagita natagpuan sa Samar

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2022 03:34 AM PHT

Natapos sa damuhan ang paghahanap ng pamilya sa isang nawawalang 12-anyos na babae sa bayan ng Basey, Samar nitong Linggo.

Isang residente ang unang nakakita ng bangkay sa Brgy. San Antonio at agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad. Ang bangkay ay kinumpirma ng mga kaanak ng biktima dahil sa suot niya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Basey PNP, napag-alamang ang natagpuang bangkay ay ang nawawalang Grade 7 na batang babae, na residente ng Brgy. Can-abay.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima nitong Miyerkoles, Oktubre 5. Nagpaalam umano siya na dadalo sa selebrasyon ng Teacher's Day sa Simeon Ocdol National High School sa nasabing bayan.

ADVERTISEMENT
Sumisigaw ngayon ng hustiya ang pamilya ng bata.

Isinanailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima bilang bahagi sa imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang dahilan sa pagkamatay niya.—Ulat ni Ranulfo Docdocan