Mga ospital sa Oriental Mindoro punuan, kapos sa oxygen supply | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga ospital sa Oriental Mindoro punuan, kapos sa oxygen supply

Mga ospital sa Oriental Mindoro punuan, kapos sa oxygen supply

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 11, 2021 07:56 PM PHT

Clipboard

Isa ang MMG Hospital sa Calapan City, Oriental Mindoro sa mga ospital sa probinsiya na nagdeklara ng full capacity. Dennis Datu, ABS-CBN News
Isa ang MMG Hospital sa Calapan City, Oriental Mindoro sa mga ospital sa probinsiya na nagdeklara ng full capacity. Dennis Datu, ABS-CBN News

Apat na araw nang nasa tent sa labas ng Oriental Mindoro Provincial Hospital si Elmer Gado, na may sakit sa puso, kasama ang kaniyang asawa.

Hindi kasi sila maipasok sa loob ng ospital dahil wala pa ring resulta ang kanilang RT-PCR test. Natatagalang lumabas ang resulta dahil suspendido pa rin ang operasyon ng COVID-19 testing laboratory.

Wala pa ring bakanteng mga kuwarto sa Oriental Mindoro Provincial Hospital dahil full capacity na. Dahil dito, magkasamang sa tent ang mga naghihintay ng RT-PCR test result at mga pasyenteng positibo sa virus.

"Uuwi na lang kami. Sa amin na lang kami maggagamutan doon," sabi ni Gado.

ADVERTISEMENT

Umaabot sa 80 ang COVID-19 patients sa Oriental Mindoro Provincial Hospital kaya kapos ang mga medical staff dahil marami ang nahawa na rin.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Full capacity na rin ang MMG Hospital sa Calapan City kaya hindi na kakayaning tumanggap ng mga COVID-19 patients.

Kalagitnaan ng Setyembre nang magsimula umanong tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

"Lampas-lampas na 'yong capacity namin plus mayroon kami 34 na mga COVID-positive patients na naghihintay sa mga bahay na ma-admit. Ganoon kahaba ang pila," sabi ni Dr. Jose Apollo Arago, tagapagsalita ng MMG Hospital.

Malaking problema rin ng mga ospital ang kakapusan ng mga oxygen tank, gaya sa Oriental Mindoro Provincial Hospital na 25 tanks ang dumating gayong 75 hanggang 100 ang nakokonsumo kada araw.

Hirap din umano ang mga supplier dahil pumipila rin sila sa pagpapa-refill ng mga tangke sa Metro Manila at Batangas.

Ito rin ang problema ng MMG Hospital, na umapela sa national government na tumulong sa pagpapadala ng maraming oxygen sa probinisya.

Umaabot sa 875 ang active COVID-19 cases sa Oriental Mindoro.

Nagpatawag na ng pulong sa Martes si Governor Bonz Dolor sa mga ospital, Department of Health at Oriental Mindoro Medical Society para pag-usapan ang mga hakbang laban sa tumataas na kaso ng COVID-19.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.