ALAMIN: Batayan para ituring na 'nuisance' ang kandidato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Batayan para ituring na 'nuisance' ang kandidato

ALAMIN: Batayan para ituring na 'nuisance' ang kandidato

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa Halalan 2022, halos 100 ang naghain ng kandidatura sa pagkapangulo, batay sa inilabas na listahan ng Commission on Elections (Comelec).

Sabi ng Comelec, 97 ang filers sa pagkapangulo, sa pangunguna nina Vice President Leni Robredo, Senators Manny Pacquiao, Ping Lacson, Bato dela Rosa, at labor leader Leody de Guzman.

Sa vice president naman ay 29 ang nag-file ng COC. Samantala, 176 ang filers sa pagkasenador, at 270 sa partylist.

Sabi ni Comelec spokesman James Jimenez, mababawasan pa ang mga bilang na ito.

ADVERTISEMENT

"Mati-trim po talaga 'yan kasi meron tayong proseso ng paghihiwalay ng mga nuisance candidates at ng lehitimong kandidato," ani Jimenez.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, matagumpay ang naging COC filing mula Oktubre 1 hanggang 8.

"Sa kabuuan masasabi natin na naging matagumpay ang pagsasagawa natin ng filing ng COC sa buong bansa... We know that this only marks the beginning of the country’s election season," ani Abas.

Sinasala ngayon ng Comelec ang mga COC at certificate of nomination and acceptance na isinumite ng mga kakandidato at aalamin kung kalipikado ba silang tumakbo.

Matuturing na nuisance ang isang aspirant kung siya ay:

  • Walang intensiyong kumandidato
  • Ginagawang katatawanan ang halalan
  • Nais lituhin ang botante

Maglalabas ng inisyal na listahan ang Comelec ng aspirants sa katapusan ng Oktubre, pero sa Disyembre pa masasapinal kung sino ang mailalagay sa balota.

—Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.