Retired judge na sangkot sa pagpaslang sa kapwa judge sumuko

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2020 11:32 PM

Sumuko ngayong Sabado sa tanggapan ng NBI sa Dipolog City si retired judge Oscar Tomarong.

Ayon sa NBI, si Tomarong ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Judge Reymar Lacaya.

Pinagbabaril si Lacaya noong Mayo 2019 sa labas ng Regional Trial Court, bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Setyembre 2019 nang mahuli sa lungsod ng Mati, Davao Oriental ang isa sa mga suspek na si Juliver Cabating, na tumuro kay Tomarong na utak sa pagpatay kay Lacaya at isa pang babaeng biktima.

Pansamantalang naka-detine sa NBI si Tomarong na dating direktor ng NBI sa Dipolog bago naging huwes sa RTC Liloy.

Noong nakaraang taon pa sinampahan ng kasong pagpatay si Tomarong.