Mga natatanging Pinoy, pinarangalan sa The Netherlands | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga natatanging Pinoy, pinarangalan sa The Netherlands

Mga natatanging Pinoy, pinarangalan sa The Netherlands

Raquel Bernal-Crisostomo | ABS-CBN Europe News Bureau

Clipboard

THE NETHERLANDS - Kinilala ng Media Correspondents Volunteer Organization (MCVO) ang ilang Pilipino at kanilang mga kontribusyon sa The Netherlands.

mcvo awardees

Kabilang sa mga pinarangalan sina Katreena Alyssa at Charlie Curilan bilang Outstanding Artist for Performing Arts; Maricel Lelieveld bilang Outstanding Artist for Visual Arts.

awardee1

awardee2

awardee3

Baryo Pilipinas bilang Outstanding Business; Corazon Espanto Outstanding Award in Public Service; Chris Sta. Brigida, Chairperson, Filipino LGBT Europe bilang Outstanding Filipino for Health and Medical Service.

Jofelle

Corazon Espanto para Outstanding Award for Public Service; Jofelle Tesorio ng TFC News bilang Outstanding Media Practitioner; Rhea Topacio Rogacion bilang Outstanding Entrepreneur.

ADVERTISEMENT

reah

Para sa awardees, bukod sa isang malaking karangalan ang award, gusto nilang magsilbi itong inspirasyon para mas marami pang kababayan ang kanilang matulungan.

“Ang sarap ng feeling kasi mas nai-inspire pa ako ng mas maraming tradition na pagkain. Sana ang award na ito’y magsilbing inspirasyon, motivation sa mga kapwa ko negosyante na ipagpatuloy ang magagandang ginagawa natin sa pag-promote ng Filipino foods hindi lang dito sa The Netherlands kundi sa buong Europa at sana sa buong mundo,” sabi ni Rhea Topacio Rogacion, Founder, First Filipino Ice Cream in Europe at Outstanding Entrepreneur Awardee.

“Ang award na ito ay pagkilala sa kontribusyon ng ating volunteers at supporters at napakagandang mensahe ng pagkakaisa at pagtutulungan” sabi ni Chris Sta. Brigada, Awardee, Outstanding Filipino for Health and Medical Service.

Pinarangalan din ng gabing yun ang Dutch organizations tulad ng Wereld House and Ros Foundation at dalawang Filipino organizations, ang Filipino Migrants in Solidarity at Saro Community.

Ang parangal ay iginawad nina Phillippine Ambassador to The Netherlands Jose Eduardo Malaya, Chapter President Noel Ermitanio at MCVO Founder Bhong David.

Ang MCVO ay isang non-profit organization na tumutulong sa mga Pilipino na nangangailangan sa loob at labas ng Pilipinas. Sa The Netherlands, aktibo ang grupo sa pagbibigay ng ayuda sa hospitalisation, repatriation, at emergency needs ng mga kababayan.

Natutulungan din nila ang mga Pinoy na naapektuhan ng pandemya at mga tinamaan ng mga kalamidad sa Pilipinas.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa The Netherlands, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.