Publiko binalaan kontra mga nakalalasong laruan ngayong papalapit ang Pasko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Publiko binalaan kontra mga nakalalasong laruan ngayong papalapit ang Pasko

Jasmin Romero,
ABS-CBN News
Published Oct 09, 2022 02:30 PM PHT

MAYNILA - Nagpaalala ngayong Linggo ang environment group na Ban Toxics laban sa mga kumakalat na mga nakakalasong laruan, lalo't papalapit na ang panahon ng Pasko.

Sa isinagawang Toxic Toy Clinic sa San Antonio Elementary School (SAES), binalaan ng grupo ang mga guro, magulang at bata laban sa mga laruang maaaring nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal tulad ng lead.

"Alam naman natin nitong 'ber' months... busy na halos ng karamihan kung ano ang ireregalo sa kaniLang mga inaanak," ani Ban Toxics campaigner Thony Dizon.

Nangunguna sa mga kemikal na posibleng nasa mga laruan ang lead, na itinuturing na neurotoxin o nakakalason sa utak at nakakaapekto sa mental development ng bata.

Naaapektuhan din ng kemikal ang buto ng bata.

Nakakapasok ang lead sa katawan ng bata kung naisusubo niya ang laruan o nalalanghap niya, ani Dizon.

Nagbabala ang grupo sa paggamit ng school supplies na naglalaman rin ng mga kemikal.

"'Yong sintomas ng ganitong klase ng exposure ay halos similar na sintomas ng normal na nararamdaman - ubo, sipon. Kung hindi masyadong masusuri kung ano ang dahilan... 'di malalaman na exposure pala sa ganitong klaseng kemikal ang dulot ng pinsala," ani Dizon.

Ipinayo ng mga eksperto sa mga dumalo sa clinic na tingnan kung may selyong "toxin-free" o "lead-free" ang laruan, at palaging sumangguni sa website ng Food and Drug Administration para malaman kung anong mga laruan ang nagtataglay ng mga kemikal.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT