Nograles: Kagutuman sa bansa pinalala ng COVID-19 pandemic | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nograles: Kagutuman sa bansa pinalala ng COVID-19 pandemic

Nograles: Kagutuman sa bansa pinalala ng COVID-19 pandemic

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pinalala ng novel coronavirus disease 2019 ang sitwasyon ng kagutuman sa bansa lalo pa’t maraming negosyo ang nagsara na nagresulta naman sa pagkawala ng trabaho ng maraming Pilipino.

“Bago naman dumating itong COVID maganda na sana ang ating direksyon, pababa na nang pababa ang ating nagugutom pero dahil COVID-19 nag-worsen ang problema na kagutuman,” pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Si Nograles ang namumuno ng Zero Hunger Task Force ng gobyerno na unang tungkulin ay ang gumawa ng road map sa pamamagitan ng National Food Policy na ilulunsad sa darating na Oktubre 16.

“Napaka-importante ng trabaho ng ating task force ngyon dahil dala ng COVID-19 tila baga mas dumami ang sitwasyon ng kagutuman at kahirapan dito sa ating bansa,” sabi ni Nograles sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Sa survey na inilabas ng Social Weather Stations nitong Setyembre, lumabas na 30.7 percent o 7.6 milyong Filipino households ang nakararanas ng kagutuman sa gitna ng pandemya.

“Yung ginawa ng SWS by telephone pero hindi naman kami makikipagtalo sa SWS sa methodology, gagamitin na lang po natin yung kanilang datos para yun po ang maging indicator natin na kailangan po nating gawan ng paraan,” sabi ni Nograles.

Sabi ni Nograles, hindi nakagawa ng hunger survey ang gobyerno para sa taong ito dahil sa pandemya.

Nakatakda naman aniyang pag-usapan sa darating na cabinet meeting kasama si Pangulong Duterte kung paano bubuksan ang ekonomiya ng bansa at mabigyan ng oportunidad ang mga tao na makabalik sa trabaho.

“Ang importante makabalik ng trabaho ang ating kababayan dahil pagnakabalik sila ng trabaho, meron silang negosyo, tiyak hindi sila makararanas ng gutom,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.