EDSA bus rerouting, umaayos na: MMDA exec | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EDSA bus rerouting, umaayos na: MMDA exec

ABS-CBN News
Published Oct 09, 2020 07:39 PM PHT

MAYNILA - Naniniwala ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority na umaayos na ang bus rerouting scheme sa EDSA, sa kabila ng patuloy na reklamo umano tungkol dito.

Ayon kay MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija, base ito sa dami ng mga taong alam na raw ngayon kung saan ang sakayan at babaan sa panibagong ruta sa EDSA.

Wala na rin kasing makitang mga pasaherong pinapababa sa EDSA, sa kanto ng NIA Road.

"Hindi na ganoon kagulo kaysa noong una... Unti-unti na nating nagagawan ng paraan. The volume of passengers sa NIA at sa NPO road at sa EDSA nabawasan na iyon. Karamihan ng mga pasahero, pumupunta rito hindi na pumupunta pa sa tapat ng National Printing Office," ani Nebrija.

Sa bagong ruta, sa intersection ng BIR at Agham Road na pupunta ang mga kukuha ng sakay ang mga dating naghihintay ng sakay ng Quezon Avenue. Dahil dito, kinakailangan pang maglakad ng mga pasahero.

Ayon kay Nebrija, maglalagay sila ng signages simula Sabado, Oktubre 10.

Isa rin sa hinaharap na problema ng MMDA ay ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa maling lugar.

Pero ayon sa tanggapan, nagpapatuloy naman ang kanilang clearing operations sa nabanggit na lugar.

— Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT