4 bahay gumuho, mahigit 200 pamilya apektado sa flash flood sa Lucena | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 bahay gumuho, mahigit 200 pamilya apektado sa flash flood sa Lucena

4 bahay gumuho, mahigit 200 pamilya apektado sa flash flood sa Lucena

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 09, 2020 08:35 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahigit 200 pamilya ang apektado sa pagguho ng mga bahay at estraktura sa mga flash flood sa Lucena, kabisera ng probinsiyang Quezon.

Ayon kay Quezon Disaster Risk Reduction Management Office chief Janet Gendrano, pitong barangay ang apektado dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Umabot pa aniya sa ika-2 palapag ng bahay ang tubig, partikular na sa mga nasa low-lying areas.

Aabot sa 225 pamilya ang inilikas at nananatili sila ngayon sa mga covered court ng barangay hall at eskuwelahan.

ADVERTISEMENT

Tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng ayuda sa mga lumikas na pamilya.

Ayon sa mga awtoridad, hindi bababa sa apat na bahay ang gumuho sa may Dumacaa River, isa sa mga ilog na umapaw dala ng baha. Inabot nang hanggang ika-2 ang pagtaas ng tubig sa lugar pasado alas-1 ng madaling-araw.

Kabilang sa mga naapektuhan ang mga taga-Barangay Market View.

Kasama ang 3 tabi-tabing bahay nina Artemio Magtibay at kanyang mga anak sa bumigay.

Tumigil na ang pagbaha kaninang alas-4 ng madaling-araw at naglilikas sila ng mga gamit pero bandang alas-5 ng umaga ay nagtakbuhan sila dahil pagguho na ang mga bahay.

Sabi ni Magtibay, noong bagyong Rosing noong 1995 pa sila nakaranas ng mataas na baha. Nakikitira muna sila sa isang katabing simbahan.

Gumuho rin ang isang katabing tapahan o gawaan ng tinapa.
Ayon sa may-aring si Danilo Tamayo, nasa 20, 000 pisong halaga ng tinapa ang inanod kanina.

Inuna rin kasi nilang isalba ang kanilang mga mahal sa buhay na nakatira rin doon.

Bukod sa Market View, inabot din ng baha ang 6 pang barangay dito sa Lucena. Pero tuluyan na ngang humupa ang tubig dahil tumigil na rin ang ulan.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

Cesar Chavez welcomes new PCO chief Jay Ruiz in Malacañang

Cesar Chavez welcomes new PCO chief Jay Ruiz in Malacañang

Pia Gutierrez,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Outgoing Press Secretary Cesar Chavez welcomed new Presidential Communications Office (PCO) chief Jay Ruiz in Malacañang on Monday.

Ruiz, a former ABS-CBN broadcast journalist, took his oath before President Ferdinand Marcos Jr. in Malacañang on the same day.

Chavez told journalists that he would support Ruiz with his weeklong transition and said he was elated by the President's decision to appoint a veteran journalist to replace him.

Chavez on Thursday announced that he had submitted his irrevocable resignation as head of the PCO. His resignation letter was submitted on February 5 and will take effect on February 28 or "anytime earlier when my replacement is appointed."

ADVERTISEMENT

In an earlier statement, Chavez said he will continue to support the vision of the Marcos administration as he pursues endeavors outside of government.

He added: "Although there is much for which I am grateful and a long list of people to thank, I leave with only one regret: in my estimation, I have fallen short of what was expected of me."

More details to follow.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.