40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 08, 2019 06:57 PM PHT

Clipboard

MAYNILA —Nawalan ng tirahan ang higit 40 pamilya sa sunog sa Barangay San Martin de Porres, Quezon City Martes ng hatinggabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-12:23 at umabot sa ikatlong alarma ang insidente.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tuluyang naapula ang sunog pasado alas-2 ng madaling-araw.

Nasa 20 bahay ang natupok.

ADVERTISEMENT

Lyza Aquino, ABS-CBN News
Watch more in iWantv or TFC.tv

Base sa inisyal na imbestigasyon, sumiklab ang sunog sa isang bahay na gumagamit umano ng kandila.

Wala namang nasaktan sa insidente. Aabot sa P50,000 ang danyos ng sunog.

Ayon kay San Martin De Porres barangay chairman Mervin Viray, pansamantala munang manunuluyan sa barangay hall ang mga apektadong pamilya.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.