Lalaki patay sa Payatas matapos umanong 'manlaban' sa pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Lalaki patay sa Payatas matapos umanong 'manlaban' sa pulis

Lalaki patay sa Payatas matapos umanong 'manlaban' sa pulis

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Mga kaanak inirereklamo ang mga pulis na nakapatay sa lalaki

MAYNILA—Dead-on-the-spot ang isang lalaki sa isang liblib na parte ng Payatas, Quezon City na kung tawagin ay Sandakot area matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.

Nakasubsob sa isang sulok malapit sa creek ang 21-anyos na si John Philip Rodriguez matapos paputukan ng mga pulis na rumesponde sa iligal na tupadahan sa lugar.

Ayon kay Police Lt. Col. Roldante Sarmiento, hindi naman talaga si Rodriguez ang target ng kanilang operasyon.

“Namataan po nila itong ating suspect/victim … nung sinita ng ating operatiba ay bigla itong tumalon sa kaniyang sinasakyang motor at biglang bumunot nga ng kaniyang daladalang baril. Ngayon po eh, wala naman pong magawa ang kapulisan kundi depensahan din ang kanilang sarili,” ani Sarmiento.

ADVERTISEMENT

Pero kung ang mga kapatid ng napatay ang tatanungin, iba ang bersyon ng kanilang kuwento.

Umiiyak at galit na nagkuwento ang mga kapatid ni "Jan-jan".

“Itinaas na ng kapatid ko 'yung (kamay niya) kasi nahulihan siya ng baril. Totoo nahulihan siya ng ganoon, itinaas na raw 'yung kamay niya … di ba pag ganon sumusuko na po. Pero bakit ganon? Pinilit pa nilang tumakbo 'yung kapatid ko para palabasin na tumakbo-nanlaban ganon?” tanong ni Diane.

Aminado naman ang mga kapatid ni Jan-jan na may record na ito sa pulisya pero hindi anila dapat nagtapos sa ganito ang buhay ng kanilang bunso.

“Inaamin po namin na naligaw ng landas 'yung kapatid namin ko po yun … sa'tin po ba wala po bang hustisya? Sana bingyan niyo ng hustisya, kinulong niyo na lang, hinuli niyo na lang … hindi 'yung sumuko na 'yung kapatid namin pinatay niyo pa. Hindi niyo ba alam may anak na tatlong taon 'yan na naiwanan. Sumuko na 'yung kapatid ko, binaril niyo pa sa ulo,” ani Anne.

Sabi ni Sarmiento, may tatlong kaso nang naisampa noon laban kay Jan-jan dahil sa pagkakasangkot nito sa pamamaril.

“Itong ating suspek ay na-involved sa gun-for-hire. At the same time, involved din po siya sa pagtutulak ng ilegal na droga kung saan ito siya ay pag hindi nakakasingil, ay kanya pong binabaril 'yung kanyang mga parokyano. Meron na po tayong naisampang murder case at dalawa pong frustrated murder,” aniya.

Narekober sa crime scene ang kalibre .38 baril na umano’y ginamit ng napatay at ang sinakyan nitong motorsiklo.

Dumipensa din ang pulisya sa mga akusasyon ng mga kapatid ni Jan-jan.

“Normal po 'yun na alibi siyempre kamag-anak at pakinggan lang po natin kung ano ang kanilang statement, at hindi na po natin dapat patulan kasi wala naman po sila sa area at the same time. Hindi naman po natin hahayaan na 'yung ating pulis po mismo ang kaniyang madale nanaman,” ani Sarmiento.

Aniya, hindi ito ang unang beses na may nangyaring krimen sa bahaging ito ng Sandakot.

Sangkot din umano si Jan-jan sa naunang insidente ng pamamaril sa lugar kung saan napatay nito ang biktima.

Hindi na rin nagulat si Sarmiento sa banta ng mga kapatid ng napatay na magrereklamo laban sa mga nakapatay na pulis.

“Expected naman po pag may pangyayaring ganyan na 'yung mga pulis po ay may reklamo lalo na’t masyado pang mainit po 'yung pangyayari,” ani Sarmiento.

Aniya, handa naman silang sagutin sa korte sakaling magreklamo nga ang kaanak ng napatay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.