Noli 'Kabayan' de Castro namaalam sa 'TV Patrol'; karera binalikan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Noli 'Kabayan' de Castro namaalam sa 'TV Patrol'; karera binalikan

Noli 'Kabayan' de Castro namaalam sa 'TV Patrol'; karera binalikan

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 07, 2021 10:25 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Namaalam nitong gabi ng Huwebes sa mga manonood ng "TV Patrol" ang anchor na si Noli de Castro kasabay ng desisyon niyang sumubok na bumalik sa politika.

"Matapos ang malalim na pagsusuri at mataimtim na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang senador sa halalan sa susunod na taon," sabi ni De Castro sa pagtatapos ng programa.

"At dahil sa hakbang na ito, kinakailangang iwan ko ang 'TV Patrol' at ABS-CBN para ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa iba namang larangan," dagdag niya.

"Masakit mang magpaalam sa programang minahal ko at naging buhay ko, at sa mahabang samahan sa mga Kapamilya sa ABS-CBN, ako'y humaharap sa mga hamon sa panibagong yugto sa aking buhay."

ADVERTISEMENT

Binalikan ng "TV Patrol" ang mahabang karera ng beteranong mamamahayag, ngayon ay 72 anyos, mula sa pagsali sa DZMM nang muling buksan ang ABS-CBN pagkatapos ng EDSA Revolution.

Nagpasalamat din si De Castro sa pamunuan ng ABS-CBN at mga kasamahan sa Integrated News and Current Affairs ng kompanya.

Inaasahang tatakbo si De Castro, na dati ring nagsilbing vice president ng bansa, bilang senador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ni Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Sa isa namang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na nirerespeto nito ang desisyon ni De Castro.

"Nagpapasalamat kami kay Kabayan sa kaniyang serbisyo sa loob nang ilang dekada sa ABS-CBN News, kung saan naging malaking bahagi siya ng mga programang tumatak na sa kasaysayan at mga proyektong naghatid ng tulong sa publiko," anang kompanya.

NARITO ANG BUONG PAHAYAG NG ABS-CBN

PAHAYAG NG ABS-CBN

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.