Halalan 2022: Ilan pang celebrities naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 7 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halalan 2022: Ilan pang celebrities naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 7

ABS-CBN News
Published Oct 07, 2021 08:14 PM PHT

MAYNILA - Nagpapatuloy ang paghain ng kandidatura ng ilang celebrities nitong Huwebes.

Tatakbo muli ang dating aktor na si Daniel Fernando bilang gobernador, at tatakbong vice governor ang incumbent na bokal ng lalawigan na si Alex Castro.

Makakatapat nila ang tiket nina Wilhelmino Alvarado at Jonjon Mendoza.

Naghain din ng kaniyang kandidatura ang komedyanteng si Long Mejia bilang bokal ng unang distrito ng Bulacan.

ADVERTISEMENT
Tatakbo namang konsehal si Vandolph Quizon sa Parañaque, habang layon ng magkapatid na sina Jomari at Ryan Yllana na tumakbo sa kani-kanilang distrito.

Tatakbo ring bokal ang songwriter ng "Otso Otso" at iba pang novelty songs na si Lito Camo sa Oriental Mindoro.

Naghain na rin ng kandidatura si Nash Aguas bilang konsehal ng lungsod ng Cavite, kung saan isa siya sa pinakabatang kandidato sa edad na 22.

Naghain din ng kandidatura si incumbent Vice Governor Jolo Revilla bilang kongresista sa unang distrito ng Cavite.

Naghain na rin ng kanilang kandidatura sa Olongapo ang aktres na si Claudine Barretto at talent manager na si Arnold Vegafria.

Kakandidato si Barreto bilang konsehal at si Vegafria bilang mayor.

VILMA SANTOS DI NA TATAKBO
Inihayag naman ni Vilma Santos-Recto na hindi na siya tatakbo para sa 2022 elections.

Inaasahan sana na maghahain si Santos-Recto ng kandidatura sa pagkasenador.

"After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 election," aniya sa pahayag.

Napagtanto aniya niya na mahihirapan siyang mangampanya sa gitna ng pandemya, pero kaya niya umanong ipagpatuloy sa personal niyang kapasidad ang public service.

Ang kabiyak niyang last-termer senator na si Ralph Recto ang tatakbo sa iiwanang puwesto.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
Halalan 2022
Daniel Fernando
Alex Castro
Lito Camo
Jolo Revilla
Arnold Vegafria
Claudine Barreto
Jomari Yllana
Ryan Yllana
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT