Pulis na nagpahinto ng trapiko sa QC sinibak sa pwesto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na nagpahinto ng trapiko sa QC sinibak sa pwesto

ABS-CBN News
Published Oct 06, 2023 08:38 AM PHT
|
Updated Oct 06, 2023 02:12 PM PHT

(UPDATE) Tinanggal sa puwesto ang isang pulis sa Quezon City matapos mag-viral ang video kung saan pinahinto niya ang traffic sa Commonwealth Avenue dahil dadaan umano ang convoy ng isang VIP.

Una nang nanawagan ang opisina ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Police District na imbestigahan ang insidente dahil anila, wala silang anumang hiling sa QCPD para magpahinto ng trapiko.

"The claims in the video are not only misleading but also outright false. I strongly condemn any actions that disrupt the daily lives and well-being of our fellow citizens. My commitment to ensuring the welfare and convenience of the Filipino people remains unwavering," ani Duterte.

Dagdag niya, dapat mag-issue ng public apology ang pulis sa lahat ng naperwisyo ng maling impormasyon.

ADVERTISEMENT
Humingi na ng paumanhin ang QCPD at sinabing iimbestigahan ang pulis at ang nag-upload ng video. Humingi na rin ng paumanhin ang pulis na si PEMS Pantallano.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel May Genio, station commander ng Quezon City Police Station 14, may nagsabi sa pulis na si PEMS Pantallano na may dadaan na "VIP" sa lugar kung kaya't dapat ayusin ang daloy ng trapiko.

"Dahil maingay at kinakausap siya ng uploader, nagkaroon ng kalituhan sa kanyang pagsagot," ani Genio.

"Na-misheard lang po niya. Instead na VIP, nasabi niya 'yung VP. Pero hindi galing sa kanya yung VP Sara, galing 'yun sa uploader ng video."

Ani Genio, sumang-ayon ang pulis sa tanong ng uploader dahil maingay sa lugar.

Nakatalaga ngayon sa admin holding ang pulis habang patuloy ang imbestigasyon. "Very apologetic po siya, magalang naman po siya," ani Genio.

Iimbestigahan din ang uploader ng video na maaaring maharap sa kaso, sabi ng opisyal.

[Editor’s Note:
Ang naunang bersiyon ng artikulong ito ay may larawan ni Vice President Sara Duterte sa thumbnail. Ito po ay aming tinanggal dahil sa pahayag ng Quezon City Police District at ng Office of the Vice President na hindi sangkot ang pangalawang pangulo sa insidenteng tinatalakay sa ulat na ito.]