Sunog sa Star City posibleng sinadya: fire official | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sa Star City posibleng sinadya: fire official

ABS-CBN News
Published Oct 06, 2019 02:46 PM PHT
|
Updated Oct 06, 2019 06:07 PM PHT

MAYNILA — Naniniwala ang mga awtoridad na sinadya ang sunog na naganap sa sikat na amusement park na Star City noong Miyerkoles, batay sa mga ebidensiyang nakalap nila.

LOOK: Star City looks like a ghost town after the fire. (2/3) pic.twitter.com/qDA8f8CPoT
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) October 6, 2019

Ayon kay Pasay City Fire Marshal Paul Pili, arson ang nakikita nilang dahilan ng pagkaabo ng malaking bahagi ng Star City. May mga nakita kasing bakas ng gasolina sa maraming parte ng amusement park.

Bukod sa kalat-kalat na gasolina, lalo pa silang naghinala dahil may pinasok daw na bulto ng mga bulak sa establisimyento noong hapon bago mangyari ang sunog.

May isang "Mr. Wong" daw ang nagpasok ng mga bulak kasama ang ilang tauhan pero hindi sila nagpalista sa logbook.

ADVERTISEMENT
"Bakit hindi nag-logbook? Nag-logbook siya pero hindi niya ni-logbook mga kasama niya," ani Pili.

Posible din daw dawit ang mismong Star City at sadyang sinunog ang kanilang negosyo.

Balak ng Pasay fire department na hingin ang mga rekord ng Star City, maging ang testimonya ng kanilang mga opisyal.

"We will look into it kung sila ba ay nalulugi o hindi. Doon makikita 'yung motibo kasi mahirap i-pinpoint kung sino nagsunog," sabi ni Pili.

Itinanggi naman ng Star City ang paratang at handa daw silang ipresenta ang mga dokumentong hihingin ng mga awtoridad.

Pasado alas-12 ng hatinggabi noong Miyerkoles nang sumiklab ang apoy sa Star City at naapula ito alas-4 ng madaling araw. Natupok ang halos 80 porsiyentong bahagi nito at umabot ang pinsala sa lagpas P1 bilyon.

Nangako naman ang Star City na susubukan nilang magbukas bago ang Pasko, lalo pa't paborito itong pasyalan tuwing holidays. — Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News