SSS pinalawak ang loan program para sa mga pensiyonado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SSS pinalawak ang loan program para sa mga pensiyonado

SSS pinalawak ang loan program para sa mga pensiyonado

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinalawak ng Social Security System (SSS) ang pension loan program nito, kung saan maaari na umanong humiran ng hanggang P200,000 ang mga pensiyonado.

Sa Pensioners' Day ng mga miyembro ng SSS noong Sabado, inilunsad ng insurance firm ang enhanced pension loan program, kung saan mas mataas ang maaaring hiramin ng mga miyembro.

"'Yong P32,000 na maximum pension loan, tinaas na namin sa P200,000," ani Rizaldy Capulong, executive vice president for investments sector ng SSS.

"Saka dati po, 'yong puwedeng bayaran ng isang taon, puwede nang bayaran ngayon ng 24 months o 2 years," dagdag ni Capulong.

ADVERTISEMENT

Kung dati ay nasa 80 taong gulang ang pinakamatandang pensioner na maaaring makahiram, itinaas na ito ng SSS sa hanggang 85.

Simula sa susunod na linggo, puwede nang makahiram ang mga miyembro ng SSS sa ilalim ng bagong programa. -- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.