Suspek sa pagpatay ng pari sa Nueva Ecija, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pagpatay ng pari sa Nueva Ecija, arestado

Suspek sa pagpatay ng pari sa Nueva Ecija, arestado

Harris Julio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 06, 2018 02:39 PM PHT

Clipboard

CABANATUAN CITY - Arestado ang itinuturong suspek sa pagpatay sa kura paroko ng isang bayan sa Nueva Ecija, Sabado.

Nahuli ang 36 anyos na suspek na si Bernie Limpio sa isang buy-bust operation sa bayan ng Maddela sa Quirino bandang alas-6 ng gabi nitong Biyernes.

Nakumpiskahan umano ang suspek ng 2 pakete ng hinihinalang shabu.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang may warrant of arrest si Limpio sa kasong pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, kura paroko ng bayan ng Zaragoza.

ADVERTISEMENT

Noong June 10 ay pinagbabaril ang pari habang siya ay naghahanda para magmisa.

Batay sa arrest warrant na inisyu ni Angelo Perez ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 27, 9 ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Nilo.

Ayon naman kay Senior Insp. Eric Caezar Rumbaoa, hepe ng PNP Maddela, mag-iisang buwan nang nagtatago sa kaniyang mga kamag-anak sa Barangay Santa Maria sa bayan si Limpio.

"May mga nagsasabi sa amin na nakikita nila dito 'yung taong napanood nila sa TV na suspek dun sa pagpatay sa pari," sabi ni Rumbaoa.

"Nag-verify kami kaya lang ay hindi siya naglalabas. Hanggang may magsumbong sa amin na may nagbebenta ng shabu kaya nag-conduct kami ng operation," dagdag niya.

Sa ngayon, nakapiit si Limpio sa PNP Maddela at mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pagkatapos na maisampa ito ay ipapasakamay siya sa PNP Zaragoza para harapin naman ang kaso tungkol sa pagpatay kay Nilo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.