Survey: 9 sa 10 Pinoy aprub sa performance ni Duterte sa gitna ng pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Survey: 9 sa 10 Pinoy aprub sa performance ni Duterte sa gitna ng pandemya

Survey: 9 sa 10 Pinoy aprub sa performance ni Duterte sa gitna ng pandemya

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2020 11:58 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na approval rating sa gitna ng pandemya, ayon sa survey na inilabas ng Pulse Asia nitong Lunes.

Ito ang kauna-unahang "Ulat ng Bayan" national survey na inilabas ng Pulse Asia magmula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre 14 hanggang 20, lumalabas na 91 percent ang nagsabing aprubado nila ang performance ni Duterte sa gitna ng pandemya, habang 5 porsiyento naman ang hindi sang-ayon dito, at 5 porsiyento din ang undecided.

Samantala, nakakuha naman si Robredo ng 57 porsiyentong approval rating, 22 porsiyento ang ayaw sa kaniyang performance, habang 21 percent naman ang undecided.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Pulse Asia, 1,200 indibidwal ang tinanong sa survey na nasa 18 ang edad pataas.

Namumulitika?

Inalaska naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang approval rating ni Robredo at sinabing resulta ito ng "pamumulitika" ng vice president.

"Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinabi: Ayaw 'ata ng Pilipino na namumulitika sa panahon ng pandemya. Subukan po nating itigil ang pulitika, baka po tumaas nang mataas sa 50 percent ang trust rating at mataas pa po sa 57 percent ang performance rating," sabi ni Roque sa isang press briefing na ginawa sa Boracay.

Sinagot naman ito ng tagapagsalita ni Robredo at sinabing sang-ayon sila na ayaw nga ng mga Pilipino sa pamumulitika.

"Kaya nga karamihan pa rin ng ating mga kababayan suportado pa rin si VP Leni. Malinaw kasi na kahit katiting ang budget ng opisina, patuloy ang panlalait at paninira, at panay ang pagpakalat ng fake news sa Facebook laban sa kanya -- nagtratrabaho pa rin siya para sa kapakanan ng marami," ani Barry Gutierrez.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.