Pekeng MMDA enforcer timbog sa pangongotong sa truck driver | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pekeng MMDA enforcer timbog sa pangongotong sa truck driver

ABS-CBN News
Published Oct 05, 2019 03:58 PM PHT
|
Updated Oct 05, 2019 07:49 PM PHT

MAYNILA — Timbog Biyernes ng gabi ang isang lalaking naaktuhang nangotong sa truck driver na pumapasada sa La Loma, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Christopher delos Santos, na nakauniporme pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang maaresto.

Kuwento ng mag-amang truck driver at pahinante, pinara umano sila ni Delos Santos at hiningan ng P300.
"Pinara po kami [at] hinihingan kami ng P300... Nakita namin na MMDA eh hindi namin alam na peke pala," sabi ng tsuper na si Romeo Fernandez.

Habang nangyayari ang pangongotong, bumaba ang pahinanteng si Arnel Fernandez at saktong may dumaang pulis.

ADVERTISEMENT
"Nang humihingi ng pera, bumaba ako eh sakto may dumaan na pulis sabi ko may nangongotong na MMDA," sabi ng pahinante.

Nang komprontahin ng pulis si Delos Santos, sinabi nitong AWOL na siya sa MMDA.

Nakatakdang kasuhan si Delos Santos ng robbery-extortion at usurpation of authority.

Sa impormasyon ng pulisya, marami na umanong driver at pahinante ang nabiktima ni Delos Santos.

May paalala naman ang mga pulis sa mga motorista.

"Makikita niyo dapat maayos ang itsura [ng MMDA enforcer] at may ID sila," sabi ni Police Lt. Col. Camlon Nasdoman ng La Loma police.

Bukas ang tanggapan ng La Loma police para sa mga magrereklamo laban sa pekeng MMDA enforcer.

—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
kotong
MMDA
extortion
Metropolitan Manila Development Authority
TV PATROL
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT