3 patay sa sunog sa Mandaue City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay sa sunog sa Mandaue City
3 patay sa sunog sa Mandaue City
Vilma Andales,
ABS-CBN News
Published Oct 05, 2017 11:28 AM PHT

Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang masunog ang kanilang bunkhouse sa isang lumber yard Huwebes ng madaling araw sa Mandaue City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Antonio Paz, 34, asawa nitong si Maricel at ang 10-taong gulang nilang anak na si Ancel Jay.

Nakatira sa bunkhouse sa likurang bahagi ng lumber yard sa Hernan Cortes Street sa Tipolo ang pamilya Paz kung saan nagsisilbing caretaker si Antonio.

Alas-4:10 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy.

ADVERTISEMENT
Ayon sa mga katrabaho ni Antonio na nakatira rin sa lumber yard, tupok na ang tinitirahan ng pamilya nang magising sila. Agad namang naapula ang apoy.

Posibleng tulog pa ang mag-asawa at kanilang anak nang lumaki ang apoy at hindi na sila nakalabas.

Patuloy pang ini-imbistigahan ng Mandaue City Fire Department ang sanhi ng sunog na tinatayang nasa P20,000 ang halaga ng danyos.