'Mga babae baka madehado sa trabaho dahil sa maternity leave' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Mga babae baka madehado sa trabaho dahil sa maternity leave'

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2018 05:15 PM PHT
|
Updated Oct 04, 2018 05:31 PM PHT

Posibleng madehado pa ang mga babae sa pagkuha ng trabaho kapag naisabatas ang panukalang nagpapalawig sa maternity leave, ayon sa grupo ng mga negosyante at administrador ng mga pribadong paaralan.

Niratipika noong Miyerkoles ng Kamara at Senado ang Expanded Maternity Leave Bill na layong itaas sa 105 ang bilang ng mga araw na maaaring lumiban sa trabaho nang may suweldo ang isang babaeng kapapanganak lang, mula sa kasalukuyang 60 araw.

Ibig sabihin, pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan bago ito maging batas.

Pero ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) acting president Sergio Ortiz-Luis, baka mas piliin ng mga employer na kuhanin ang mga aplikanteng lalaki sakaling maisabatas ang panukala.

"Kung ikaw ay employer, may diperensiya ka kapag nag-hire ka ng babae. Eh di ha-hire ko ay lalaki, hindi nagli-leave 'yon eh," sabi ni Ortiz.

"At the end of the day they didn’t think it through. Sino magha-hire sa mga babae? Lalong mawawalan ng trabaho ang mga babae," dagdag niya.

Para naman sa grupong Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA), posibleng maapektuhan ng pinalawig na maternity leave ang pag-aaral ng mga estudyante.

Sa pagkuwenta kasi ng grupo, kung kakaltasin ang 105 days na maternity leave, weekends, summer days at allowable days-off ng Department of Education (DepEd), lumalabas na sa isang taon ay 75 araw lang ang ipapasok ng mga babaeng guro.

Dahil dito, pinag-iisipan ng FAPSA na mga lalaking guro na lang ang kuhanin sa trabaho sa halip na mga babae.
Dahil dito, pinag-iisipan ng FAPSA na mga lalaking guro na lang ang kuhanin sa trabaho sa halip na mga babae.
ADVERTISEMENT
"Around 90 percent na nagtuturo sa lahat sa private school, maski sa public school, puro babae. Maganda sana lalaki, hindi nabubuntis 'di ba?" ani Kasilag.

"Magkakaroon pa rin kami ng kaunting caveat, as we could say. 'Yong beware, 'Wag kang kukuha ng teacher na nag-a-apply na bagong kasal, buntis'... Hindi magkakaroon ng problema sa attendance," ani Kasilag.

Puwede naman daw kumuha ng mga substitute teacher pero hirap din daw ang mga pribadong paaralan na makakuha ng mga ganoon. --Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
expanded maternity leave
maternity leave
hanapbuhay
babae
buntis
trabaho
ina
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT