Estudyanteng sinampal umano ng guro 'nagsuka, sumakit ang ulo' bago namatay: ina | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyanteng sinampal umano ng guro 'nagsuka, sumakit ang ulo' bago namatay: ina

Karen De Guzman and Rowegie Abanto,
ABS-CBN News
Published Oct 03, 2023 08:17 AM PHT
|
Updated Oct 03, 2023 08:02 PM PHT

MAYNILA (4th UPDATE) — Nagsuka at sumakit ang ulo at mata ng estudyanteng sinampal umano ng kaniyang guro sa Antipolo at namatay ilang araw matapos ang insidente, sabi ng ina ng bata ngayong Martes.

Kuwento ni Elena Minggoy, ina ng Grade 5 student na nasawi, nagsumbong agad sa kaniya ang anak matapos ang umano'y pananampal sa Peñafrancia Elementary School.

"Pagdating niya galing school nagsumbong siya sa akin, 'mama mama sinampal ako ng teacher," ani Minggoy sa TeleRadyo Serbisyo.

Ayon sa ulat, nasampal ang 14-anyos na bata dahil umano sa pag-iingay. Pero ani Minggoy, "hindi naman siya kasama sa maingay kasi nagte-test siya, nagsumbong lang po siya."

ADVERTISEMENT
"Noong binalikan siya ni teacher, hinatak siya sa kuwelyo ng uniform tapos sinabunutan po. Pagkatapos ng sabunot, sinampal po siya," dagdag niya.

"Tapos nagkuwento 'yung anak ko noong sinampal siya, 'Ma, para akong nabingi sa sampal ma. Sabi ng anak ko, 'Ang sakit ng tainga ko, Ma.'"

NAGSUKA, SUMAKIT ANG ULO
Nang tanungin kung malakas ang umano'y pagsampal ng guro, sabi ni Minggoy, "Hindi po magsusumbong nang paulit-ulit kung hindi malakas 'yon."

Isang beses lang umanong sinampal ang kaniyang anak pero "paulit-ulit siyang nagsumbong sa akin."

Nakapasok pa umano nang 3 araw ang bata. Pero pag-uwi nito mula sa paaralan noong Martes, Setyembre 26, bigla na lang umano itong nagsuka, nahilo at nakaramdam ng pananakit ng ulo.

"Tapos sabi niya, 'Mama hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng mata ko," kuwento ni Minggoy.

"Parang maraming gumagapang, sabi niya ng gano'n. Ang sakit talaga, sabi niya, dalhin mo na ako sa ospital ngayon na."

AUTOPSY
Dinala sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima at na-comatose ito hanggang sa hindi na nakarekober at binawian ng buhay.

Ayon sa doktor, may nangyaring pagdurugo sa utak ng kaniyang anak, sabi ni Minggoy.

Inaasikaso na rin nila ang pagpapa-autopsy sa estudyante.

"Sa ngayon nilalakad na po namin kasi wala kaming pang-downpayment sa autopsy," aniya.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang Department of Education matapos ang umano'y pananampal ng guro.

Depensa naman teacher sa mga pulis, hindi niya sinampal ang bata kundi tinapik lang ang pisngi.

Inihahanda na rin ng Antipolo Police ang mga reklamong homicide at paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law laban sa guro.

Nagtungo rin sa paaralan ang magulang ng estudyante para kausapin ang nasabing teacher pero hindi ito napaunlakan.

“Ang gusto niya is makausap ‘yung subject teacher na nakapanakit sa anak niya pero ang nakausap ay adviser. Hinihintay na makausap pero hindi po nangyari,” ani PEMS Divina Rafael, hepe ng Women and Children Protection Desk ng Antipolo City Police Station.

DEPED MAG-IIMBESTIGA
Sinabi naman ng Department of Education (DepEd) na bineberipika na nila ang insidente.

Pumunta na ang Schools Division Office ng Antipolo City sa Peñafrancia Elementary School para alamin ang nangyari. Ipapadala ang impormasyon na ito sa central at regional office ng DepEd.

“We went to the school to verify and gather the documents to be submitted to the Regional Office as a protocol on the guidelines on child protection cases," sabi ng abugadong si Kelvin Matib, ang Child Protection Specialist ng Antipolo City Schools Division Office.

"Magsa-submit po kami ng intake sheet and incident report to the Regional Office for appropriate action,” dagdag niya.

Sabi ni Matib, papangunahan ang imbestigasyon ng isang fact-finding investigation committee na bubuuin ng 3 hanggang 5 indibidwal.

Nangako naman siya na hahawakan nang maayos ang kaso base sa Child Protection Policy ng DepEd.

“After fact-finding investigation, the disciplining authority can either issue a formal charge if there is a prima facie case," aniya.

"If there is a prima facie case, there will be a formal investigation, that is when you provide an opportunity for the teacher to explain and be heard,” dagdag niya.

City Schools Division Office, umaksyon na rin
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng City Schools Division Office ng Antipolo na na nagtalaga ng alternate educator ang principal ng Peñafrancia Elementary School kapalit ng gurong iniimbestigahan.

Nagbuo na rin daw ng team ng mga guidance counselor, youth formation development coordinator at child protection specialists para bigyan ng debriefing ang mga guro at mag-aaral sa nasabing paaralan.

Ang team na ito ay tutulong din sa mga interbensyon tulad ng pagbibigay muli ng oryentasyon sa child protection policy sa paaralan.

"We are saddened by the death of our dear learner and we express our deepest condolences and prayers to the bereaved family," banggit din ng dibisyon.

Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay at tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng nasawing estudyante.

Kasama sa tulong na ibibigay sa pamilya ang financial assistance sa hospital at funeral expenses.
“We will closely coordinate with the authorities and concerned agencies to ensure the welfare of the bereaved family,” ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez.