Lalaki sinunog ang bahay para madamay umano ang mga 'bully' na kapitbahay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki sinunog ang bahay para madamay umano ang mga 'bully' na kapitbahay

Larize Lee,
ABS-CBN News
Published Oct 03, 2022 12:43 PM PHT

Dahil sa galit sa kaniyang mga kapitbahay, sinunog ng isang 35 taong gulang na lalaki ang kanilang bahay sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon sa suspek, bandang alas-9 ng gabi noong Linggo nang sindihan niya ang kutson ng kama gamit ang lighter hanggang sa masunog ang kanilang bahay at madamay ang mga katabing bahay.

Wala noon ang kapatid at tiyuhin ng suspek, na kasama nito sa bahay.

Ayon sa suspek, 4 na taon na siyang binu-bully ng mga kapitbahay, bagaman hindi niya ito idinetalye.
Ayon sa suspek, 4 na taon na siyang binu-bully ng mga kapitbahay, bagaman hindi niya ito idinetalye.
ADVERTISEMENT
"Eh wala naman po akong choice kundi sa bwisit, poot at galit... masyado nila akong binu-bully," anang suspek.

Itinanggi naman ng mga kapitbahay ang paratang.

Limang bahay ang natupok habang nasa 15 pamilya ang pansamantalang tumutuloy sa evacuation center sa isang paaralan.

Nasa kustodiya naman ng barangay ang suspek habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection.

Kapag napatunayang sinunog ng suspek ang bahay, kakasuhan ito ng arson at maaaring makulong nang 6 hanggang 12 taon.