Mga hinihinalang may meningococcemia patuloy na sinusugod sa San Lazaro Hospital | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga hinihinalang may meningococcemia patuloy na sinusugod sa San Lazaro Hospital

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2019 06:08 PM PHT
|
Updated Oct 03, 2019 08:16 PM PHT

Patuloy na isinusugod sa San Lazaro Hospital sa Maynila ang mga pasyenteng hinihinalang may meningococcemia.

Limang tao na ang dinala sa San Lazaro Hospital dahil sa hinihinalang meningococcemia, kabilang ang ilang galing pa sa Batangas.

May isang batang dinala sa isolation room ng ospital dahil siya pa lang ang kumpirmado sa sakit.

Magugunitang kinumpirma noong Lunes ni Eduardo Janairo, direktor ng Department of Health (DOH) sa Calabarzon, ang pagkamatay ng isang 53 anyos na babae mula Tanauan City, Batangas dahil sa meningococcemia.

ADVERTISEMENT
Iniimbestigahan din ang pagkamatay ng tatlong tao mula Lian, Nasugbu at San Jose sa Batangas na hinihinalang dahil sa meningococcemia.

Ayon sa DOH-Calabarzon, nagsagawa na sila ng contact tracing o iyong paghahanap sa mga nakasalamuha ng mga pasyente para painumin ang mga ito ng prophylaxis.

Sa Bicol Medical Center sa Naga City, patay din ang isang 3 taong gulang dahil sa meningococcemia.

Ang meningococcemia ay malubhang sakit dulot ng bakterya. Maaari itong magdulot ng impeksiyon sa utak, gulugod at dugo.

Nakukuha ang meningococcemia sa pamamagitan ng laway o bahing.

Ilan sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo, sore throat, pananakit ng kalamnan, pagsusuka at pagkakaroon ng rashes o mga pantal.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT