3,000 sako ng 'ipinuslit' na bigas, nasabat sa Zamboanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3,000 sako ng 'ipinuslit' na bigas, nasabat sa Zamboanga

3,000 sako ng 'ipinuslit' na bigas, nasabat sa Zamboanga

RJ Rosalado,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakumpiska ang higit 3,000 umano'y ipinuslit na bigas sa isang bodega sa Zamboanga City, Martes. ABS-CBN News

Nasabat ang humigit 3,000 umano'y ipinuslit na bigas sa isang bodega sa Zamboanga City nitong Martes ng gabi.

Bahagi ito ng paghahanap ng higit 20,000 smuggled rice na nawala noong nakaraang buwan, ayon kay Zamboanga City District Collector Lyceo Martinez.

Dagdag niya, itinago sa iba't ibang bodega ang mga pinuslit na bigas habang ang ilan ay ni-repack at naibenta na sa pamilihan.

Pero patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation sa mga natitira pang humigit 10,000 smuggled rice na nawawala.

ADVERTISEMENT

Depensa ni Martinez, nagbigay siya ng order sa kaniyang Customs Police District Commander na si Filomeno Salazar na bantayan ang mga nakumpiskang smuggled rice, na hindi pa naibababa sa tatlong cargo vessel.

Nangako umano si Salazar na maglalagay ng mga tauhan sa isang pribadong pier para bantayan ang mga ito. Pero nagulat si Martinez nang malamang nawawala na ang higit 20,000 sako ng bigas sa mga barko.

Ayon pa kay Martinez, itinanggal na sa pwesto si Salazar epektibo nitong Martes kasunod nang nangyaring pagkawala ng mga smuggled rice sa kanilang kustodiya.

Iniimbestigahan naman ng ahensiya ang iba pang mga empleyado na posibleng may kinalaman sa anomalya.

Maliban sa administrative case, may plano din ni Martinez na magsampa ng kasong kriminal laban kay Salazar.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng ahensiya kung sino ang may-ari ng bodega at kung siya din ang may-ari ng mga nasabat na smuggled rice.

Wala kasing gustong magsalita sa mga manggagawa na naabutan ng mga awtoridad sa loob ng compound.

Ayon naman kay Moises Tamayo, director ng NBI-9, may mga pangalan na sila ng ilang rice trader na posibleng sangkot sa pagpuslit ng mga nakumpiskang bigas.

Pero hindi pa nila maisapubliko ang mga pangalan habang patuloy ang kanilang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.