PatrolPH

P8.1 milyong halaga ng hinihinalang droga nasamsam sa Cebu City; suspek tiklo

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2022 01:28 PM

Retrato mula kay Benjie Talisic, Superbalita Cebu
Retrato mula kay Benjie Talisic, Superbalita Cebu

Aabot sa higit P8 milyon halaga ng hinihinalang droga ang nakumpiska mula sa lalaking naaresto sa buy-bust operation sa Cebu City nitong madaling araw ng Linggo.

Kinilala ng pulisya bilang "high value individual" ang lalaking naaresto sa operasyon sa Barnagay Lorega San Miguel.

Nasa halos isang kilo na may halagang P8.1 milyong halaga ng hinihinalang droga ang nasamsam sa suspek.

Ayon sa suspek, suma-sideline siya sa paghahatid ng ilegal na droga dahil kulang ang sinasahod bilang kusinero sa isang kainan.

Ayon kay Police Maj. Efren Diaz Jr., matagal na nilang minamanmanan ang suspek, na may malawak na network sa pagbebenta ng droga.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang kakaharapin ng suspek

— Ulat ni Annie Perez

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.