Traslacion ng Nazareno, maaaring ipagpaliban sa 2021, ayon kay Isko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Traslacion ng Nazareno, maaaring ipagpaliban sa 2021, ayon kay Isko

ABS-CBN News
Published Oct 02, 2020 03:12 PM PHT

MAYNILA — Humingi ng pag-unawa at paumanhin si Manila Mayor Isko Moreno sa mga deboto ng Poon ng Itim na Nazareno dahil posibleng walang isagawang Traslacion sa mga susunod na taon hangga't may pandemya.

Ayon sa alkalde, hangga't wala pang nagagawang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), kailangan na ipagpaliban muna ang naturang tradisyon.

"There is no harm in having none for a year or two. Because there still a hundred years, 50 years, 20 years, ten years, five years... to continue to practice yung pamana, yung kustumbre at yung pamamanata," ani Moreno.

Maaari namang masilayan ang Poong Nazareno sa pamamagitan ng teknolohiya, dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Milyon-milyong Pilipinong deboto ang pumupunta sa Quiapo tuwing Enero 9 para sa Traslacion o prusisyon ng Poon ng Itim na Nazareno, na pinapaniwalaan ng marami ay naghahatid ng milagro, kabilang na ang magandang buhay at trabaho, paggaling sa sakit, at kaligtasan.

Nauna nang sinabi ni Fr. Douglas Badong, vicar ng Minor Basilica ng Poong Nazareno sa Quiapo, Huwebes, na pinag-uusapan na ng kanilang komite kung paano isasagawa ang prusisyon ng Poon sa susunod na taon.

Kasama na dito aniya ang pagpapatupad ng physical distancing kapag magsisimba ang mga deboto sa nobenaryo ng Traslacion.

"Sa ngayon po ay talagang naguusap-usap na kami ng proposal sa procession committee na idudulog namin sa IATF. Kung papayagan ng IATF na following all the protocols, 'yun ang gagawin namin. Pero nakaset na rin naman kami na posibleng wala talagang Luneta event ngayon at wala 'yung usual na ginagawa natin," dagdag ni Fr. Badong.

Asahan aniya ng mga deboto na magkakaroon ng malaking pagbabago sa pagsasagawa sa Traslacion, at humihingi siya ng kooperasyon mula sa mga ito ngayong may pandemya.

"Sana maging bukas ang mga deboto sa pagbabagong ito. Ngayon lang naman itong may pandemic."

-- may ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT