2 tirador ng cellphone, wallet arestado sa loob mismo ng bus | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 tirador ng cellphone, wallet arestado sa loob mismo ng bus

2 tirador ng cellphone, wallet arestado sa loob mismo ng bus

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa pulis, modus operandi ng dalawa ang libangin ang mga pasahero saka iipitin para madukot ang mga laman ng bulsa. Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Sa kulungan ang bagsak ng 2 miyembro umano ng "ipit gang" sa Sampaloc, Maynila matapos mahuli ng mga pulis Lunes.

Kinilala ang dalawa bilang sina Arnold Ologenio at Pablo Castro.

Ayon sa pulisya, modus operandi ng 2 ang libangin ang mga pasahero saka iipitin para madukot ang mga laman ng bulsa.

Isinumbong sila ng isang babaeng call center agent na ninakawan nila ng cellphone habang nakasakay sa bus na biyaheng Lawton.

ADVERTISEMENT

Hindi agad bumaba ang 2 sa bus kaya inabutan pa ng mga pulis na hawak mismo ng isa sa mga ito ang kinuhang cellphone.

Umamin naman ang 2 na halos anim na taon na nila itong ginagawa.

"Dala lang ng pangangailangan," ani Ologenio.

"Nagsisisi po ako, pasensiya na po sa mga nabiktima namin," ayon naman kay Castro.

Natuklasan ding labas-masok na ang 2 sa kulungan dahil sa mga kaso gaya ng theft at robbery.

Pinag-iingat naman ngayon ng mga pulis ang publiko dahil posibleng mas dumami ang parehong modus lalo na't papalapit na ang Kapaskuhan.

"Nasa ber months na kaya dapat maging vigilant tayo sa mga alahas, pera, kasi usong-uso na ang ganitong gawain," ani Superintendent Andrew Aguirre, hepe ng Sampaloc police station.

Kakasuhan ang dalawa ng theft pero bailable ito kaya posibleng makalabas ulit ang mga suspek kung makakapagpiyansa sila.

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.