Jonvic Remulla nag-file ng COC para muling tumakbo bilang gobernador ng Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jonvic Remulla nag-file ng COC para muling tumakbo bilang gobernador ng Cavite

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Oct 01, 2021 12:12 PM PHT
|
Updated Oct 01, 2021 01:33 PM PHT

MAYNILA - Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy para tumakbo muling gobernador si incumbent Cavite Gov. Jonvic Remulla sa tanggapan ng Commission on Elections sa lungsod ng Trece Martirez Biyernes.

Magiging ka-tandem ni Remulla si Tagaytay Councilor Athena Tolentino, anak ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino at Cavite 8th District Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Incumbent Governor Jonvic Remulla and his running mate Tagaytay Councilor Athena Tolentino file their certificates of candidacy for gubernatorial and vice gubernatorial race, respectively, in Cavite. pic.twitter.com/MQCrDawirG
— Michael Joe Delizo (@michael_delizo) October 1, 2021

Target ni Remulla na palakasin ang connectivity, peace and order, edukasyon at imprastruktura sa Cavite habang ang kaniyang runningmate na si Tolentino ay ipinagmamalaki ang kaniyang pagiging bata at babae para magdala ng bagong serbisyo sa publiko.

Estudyante pa lang sa kursong psychology si Tolentino ay gusto na niyang palawakin ang mental health awareness sa lalawigan.

Samantala, tatakbo naman sa posisyon bilang kinatawan ng 8th District ang kaniyang ina habang balak namang bumalik bilang mayor ng Tagaytay ng kaniyang ama.

Lalaban din para makaupo sa Kongreso si Vice Gov. Jolo Revilla.

Marami sa mga kandidato sa Cavite ay mga dati nang opisyal at wala rin masyadong lumalaban sa kanila.

Mahigpit naman ang pagpapatupad ng COVID protocols sa Comelec office sa Trece Martirez kung saan kailangang negatibo sa RT-PCR o antigen test ang mga kandidato gayundin ang mga empleyado ng tanggapan.