Halos 40 katutubo nagka-diarrhea sa Tanay; 2 patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos 40 katutubo nagka-diarrhea sa Tanay; 2 patay

Halos 40 katutubo nagka-diarrhea sa Tanay; 2 patay

ABS-CBN News

Clipboard

Aabot sa halos 40 katutubo ang natamaan ng diarrhea sa Tanay, Rizal. Dennis Datu, ABS-CBN News
Aabot sa halos 40 katutubo ang natamaan ng diarrhea sa Tanay, Rizal. Dennis Datu, ABS-CBN News

Dalawa ang kumpirmadong patay at halos 40 pa ang mga katutubong Dumagat na tinamaan ng diarrhea sa bulubunduking barangay ng Tanay, Rizal.

Ayon sa municipal health office ng Tanay, namatay ang isang 50 anyos na lalaki at 22 anyos na babae.

Umaapela na rin ng tulong ang ilang pamilyang katutubo gaya nina Angelito Dela Cruz, na namatayan ng anak pero hindi makumpirma kung dahil din sa diarrhea.

Tatlo rin sa kaniyang anak ang masakit ang tiyan.

ADVERTISEMENT

"Kung ano gamot ang dapat mailagay sa tubig na aming iniinom ay lagyan po. Kung maaari po ang ating mga doctor ay kinakailangan umahon sa bundok para masugpo ang pagkakasakit na 'yan," sabi ng residente na si Angelito Dela Cruz.

Umakyat na sa Sitio Nayon ang team ng municipal health office at nagsagawa ng medical consultation.

Namahagi na rin sila ng water sterilizing tablet.

Base sa imbestigasyon, nagsimulang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ang mga pasyente matapos manalasa ng bagyong Karding.

"Base sa laboratory test ng isang pasyente na galing Nakar, 'yung out-patient basis at ilang reported na nasa ospital eh case po ng amoeba. Nagismula po 'yan after ng bagyo, possible pong nagkaroon ng contamination sa water source nila, usually bukal," ani Tanay Municipal Health Office head Dr. Amor Dulce Rivera.

Pinayuhan ang mga katutubo na pakuluan nang mabuti ang kanilang tubig at panatilihin ang kalinisan.

Naghahanda na rin ang tanggapan sa ipapadalang inuming tubig sa Sitio Nayon.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.