Lalaki arestado sa Bulacan sa 'sextortion' sa ex | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki arestado sa Bulacan sa 'sextortion' sa ex

Lalaki arestado sa Bulacan sa 'sextortion' sa ex

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 30, 2020 07:55 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang lalaki ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umanong piliting makipagtalik sa kaniya ang kaniyang dating nobya sa banta na ipagkakalat ang mga hubad na larawan nito.

Kinilala ang suspek bilang si Erick Fernandez, na hinuli ng mga taga-NBI sa kuwarto ng isang motel sa Bulacan.

Pinilit umano ni Fernandez ang dating nobyang si "Marlene" na makipagtalik sa kaniya sa banta na ikakalat ang kanilang sex video chat.

Ayon kay "Marlene," napilitan siyang makiapg-video chat sa dating karelasyon dahil ilang beses umano itong nananakot na magpapakamatay kung hindi nila ito gagawin.

ADVERTISEMENT

Ikinuwento ni "Marlene" na sa Facebook sila nagkakilala at isang buwan silang naging magkasintahan.

Muli namang nagpaalala sa publiko si Waldo Palattao Jr., special investigator sa NBI-Bulacan, na mag-ingat sa kahit anong ina-upload o ginagawa online.

Sinasamantala ng mga sexual predator ang pagkabagot at takot na nararamdaman ng marami ngayong may pandemya, sabi naman ni Rommel Papa, chief ng NBI behavioral science division.

Nakaditene si Fernandez at nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act, Anti-Violence Against Women and their Children Act, at Anti-Rape Law.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.