2 anak ng dating bise alkalde sa South Cotabato, patay sa drug raid | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 anak ng dating bise alkalde sa South Cotabato, patay sa drug raid

ABS-CBN News
Published Sep 30, 2018 02:17 PM PHT

STO NIÑO, South Cotabato - Patay ang 2 anak ng dating bise alkalde sa bayan na ito matapos umanong manlaban sa mga pulis na sumalakay sa kanilang mga bahay sa Barangay Ambalgan nitong Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dennis Mark at Junjie Cabantud, anak ni former vice mayor at ngayo'y Barangay Ambalgan captain Rosalinda Cabantud.

Nakuha umano sa magkapatid ang 2 kalibre .45 ba pistol at tig-12 pakete ng hinihinalang shabu.

Na-ospital ang kanilang ina dahil sa pagtaas ng presyon matapos ang pagkamatay ng mga anak.
Na-ospital ang kanilang ina dahil sa pagtaas ng presyon matapos ang pagkamatay ng mga anak.
ADVERTISEMENT
Kuwento ng kasambahay, nasa hiwalay na bahay ang magkapatid nang ikasa ang drug raid. Nagulat na lang aniya ang kanilang pamilya nang sabihan ng mga pulis na nanlaban ang 2 kaya nabaril.

Isinugod umano ang magkapatid sa ospital, pero hindi na umabot nang buhay roon.

Iginiit ng kanilang pamilya na hindi nanlaban ang dalawa.

Samantala, napatay rin ang isa pang target ng drug raid na si Ronnie Magon, residente ng Barangay Ambalgan.

Binaril din umano ni Magon ang mga pulis kaya gumanti ang mga ito ng putok. Namatay rin sa ospital ang suspek na nakuhanan ng isang revolver at 7 pakete ng shabu.

Diin ng kaniyang kaanak na si Jam Sabanal, hindi nanlaban si Magon dahil ni hindi ito marunong humawak ng baril.

Dati nang sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng ilegal na droga ang 3 napatay na suspek. Nakatakda sana silang sumailalim sa community-based rehabilitation program ng barangay, ayon kay Sto. Niño police chief Senior Insp. Juncint Aput.

Kabilang ang magkapatid na Aput sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte, dagdag ni Soccsksargen police spokesperson Supt. Aldrin Gonzales.

Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT