Mga magdamag pumila, inabot pa rin ng cut-off sa voter registration sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga magdamag pumila, inabot pa rin ng cut-off sa voter registration sa Antipolo

Mga magdamag pumila, inabot pa rin ng cut-off sa voter registration sa Antipolo

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pumalibot sa labas ng isang mall sa Antipolo City, Rizal ang daan-daang katao para sa voter registration ng Commission on Elections ngayong araw ng Miyerkoles, pero marami pa rin ang hindi umabot sa cut-off.

Alas-10 pa lang ng gabi ng Martes, may mga pumila na sa mall sa Antipolo para makapagparehistro para sa darating na halalan sa 2022, kahit pa alas-8 pa ng umaga ngayong Miyerkoles ang umpisa ng rehistro.

Hanggang 100 na katao lang ang tinatanggap doon para magparehistro kada araw.

Nabigong makapasok sa cut-off nitong Martes ang ilan sa mga pumila muli ngayong araw. Pinabalik umano sila ng alas-5 ng madaling-araw kanina.

ADVERTISEMENT

Pero pagdating nila, naabutan pa rin sila ng cut-off dahil sa dami ng mga naunang pumila at inilista.

May nakipagtalo pa, pero giit ng mga guwardya at taga-barangay na "first come first served" ito.

Pinilit pa rin ng iba na pumila kahit nag-cut off na, at umaasa silang matuloy ang pagpapalawig ng registration.

Sinabihan din sila ng mga taga-Comelec at tauhan ng mall na bumalik na lang dahil mahigpit na susundin ang cut-off.

Nitong umaga ng Miyerkoles, inihayag ng Comelec na palalawigin na ang voter registration period hanggang ika-30 ng Oktubre, maliban sa Oct. 1-8 kung kailan gaganapin ang filing of certificates of candidacy.

Bago nito, nakatakdang isara na ang pagpaparehistro sa Huwebes, ika-30 ng Setyembre. Pero lumakas ang panawagang palawigin ito dahil sa milyon-milyong pang hindi nakapagparehistro bunsod ng mga lockdowns dahil sa banta ng COVID-19.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.